Robin Padilla, sang-ayon sa pagbibigay ng pardon ni PRRD kay Joseph Scott Pemberton

Robin Padilla, sang-ayon sa pagbibigay ng pardon ni PRRD kay Joseph Scott Pemberton

- Nagpahayag ng kanyang saloobin si Robin Padilla hinggil sa mainit na isyu tungkol sa pagpapalaya sa Amerikanong si Joseph Pemberton

- Ayon sa aktor, tama umano ang naging pasya ng Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng absolute pardon si Pemberton

- Isinalarawan niya bilang "most compassionate decision" ang naging hakbang ng pangulo

- Matatandaang isa si Robin sa mga nakipaglaban noon para mabigyan ng hustisya ang napaslang na si Jennifer Laude

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpahayag ng pagsuporta si Robin Padilla para sa naging pasya ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagbibigay ng absolute pardon sa Amerikanong si Joseph Scott Pemberton.

Ibinahagi ng aktor ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng kanyang mga social media accounts.

Ayon sa kanya, kagaya ng iba pang nasintensyahan, may karapatan si Pemberton na makatanggap ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) na naaayon sa batas ng ating bansa.

Phivolcs, mahigpit na binabantayan ang apat na bulkang may 'abnormal' na kondisyon

“Tama ang ginawa ni mayor PRRD,” aniya.

“It was the most compassionate decision not only for the Americans but for us as well,” dagdag pa ng action star.

Makakapagpatibay pa umano sa relasyon ng America at Pilipinas ang naging hakbang ng pangulo lalo at maaring mangailangan ang Pilipinas ng tulong mula sa America ngayong panahon ng pandemya.

“Isulat na lamang natin ito sa talaan ng mga atraso ng amerikano sa atin mula sa massacre sa probinsya ng Samar hanggang sa massacre of Bud bagsak sa Jolo na walang mga nakulong na amerikanong sundalo,” dagdag pa ni nito.

Kagaya ni Pemberton, isa din si Robin sa nakatanggap ng absolute pardon mula sa pangulo noong 2016 matapos niyang makasuhan dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Si Pemberton ay nahatulan dahil sa pagpaslang sa transgender woman na si Jennifer Laude noong 2014. Nakulong siya sa loob ng anim na taon.

Batang lansangan na nanonood ng cartoons sa wifi kiosk sa Maynila, umantig sa puso ng netizens

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Robin Padilla, sang-ayon sa pagbibigay ng pardon ni PRRD kay Joseph Scott Pemberton

Robin Padilla (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad Boy of Philippine Cinema”. Isa rin siyang screenwriter, producer, director and nationalist.

Tinatawag din siyang “The prince of the Philippine Action Movies”. Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay Mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa isa niyang video, kinaaliwan ng mga netizens ang pakikipagpalit ni Mariel Padilla sa kanyang kasambahay sa loob ng isang araw.

Ibinahagi niya rin ang naging pagdiriwang nila sa ika-anim na buwan ng kanyang pangalawang anak na si Gabriela.

Ogie Diaz, pinayuhan si Jay Sonza kaugnay sa paglabas nito ng balita tungkol kay Julia Barretto

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel