Derek Ramsay at Andrea Torres, ipinasilip ang kanilang bagong bahay

Derek Ramsay at Andrea Torres, ipinasilip ang kanilang bagong bahay

- Ibinahagi ng magkasintahang Derek Ramsay at Andrea Torres ang isang home tour sa kanilang bagong bahay

- Ayon sa kanila, ang nasabing home tour ang kauna-unahang pasilip sa kanilang bahay dahil bago pa lamang ito

- Kapansin-pansin ang mga paintings sa loob ng bahay nila na gawa umano ng mga Pinoy artists

- Marami ang humanga sa magandang disenyo ng kanilang bahay at maging ang mga gamit na kanilang piniling ilagay dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanilang panibagong vlog, ibinahagi nila Andrea Torres at Derek Ramsay ang isang home tour sa kanilang bagong bahay.

Ayon pa kay Derek, ito ang kauna-unahang pagkakataon na maipapakita nila sa kanilang viewers ang kanilang bagong bahay.

"You will be the first to actually see the entire home. We've done a little snippet here and there, in other shows. But we want to share, the entire home, our home, to you. We will go in every corner of this house and share it with all of you," pagbabahagi ng aktor.

Nurse na low-risk sa COVID-19, tinamaan ng virus at biglaang pumanaw

Ilan sa mga ipinakita nilang bahagi ng bahay sa nasabing vlog ay ang living room, dining area, kitchen, pool area, entertainment area, at ang master's bedroom.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kabilang sa mga makikita sa kanilang bahay ay ang mga art pieces na nagsasalamin sa hilig nila sa arts. Ayon pa sa kanila, mga gawang Pinoy ang mga art pieces na kanilang binili.

Derek Ramsay at Andrea Torres, ipinasilip ang kanilang bagong bahay

Derek Ramsay (Photo by Gregorio B. Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket via Getty Images)
Source: Getty Images

Ibinahagi din ni Derek na pinasadya niyang pagawaan ng karagdagang silid ang bahay para sa kanyang mga magulang dahil gusto niyang sa kanila tumira ang mga ito.

"Here in this house gusto namin na dito na tumira 'yung parents ko so gumawa kami ng Junior master's bedroom dito po sa baba, you will see it here. They have the best view. They have a view of the garden... I am trying to convince them to live with me," ani Derek.

Liza Soberano, personal nang naghain ng kaso laban sa Converge employee na binastos siya

Si Derek Ramsay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kamakailan, naitanong sa kanyang kasintahang si Andrea kung buntis siya at sumagot naman ang Kapuso actress.

Sinurpresa naman ni Andrea si Derek para sa kanyang ika 43 na kaarawan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel