Janica Nam Floresca, nakahanap ng bagong pag-ibig matapos ang 3 taon

Janica Nam Floresca, nakahanap ng bagong pag-ibig matapos ang 3 taon

- Marami ang natuwa para sa girlfriend ng yumaong Hashtags member na si Franco Hernandez

- Ito ay matapos magbahagi ng litrato ang dalaga na may kasamang lalaki na hindi pa niya pinapangalanan

- Bumuhos ang pagbati para sa dalaga na ilang taon ding pinagluksa ang pagkawala ni Franco

- Matatandaang pumanaw si Franco habang nasa bakasyon sila noong November 11, 2017 matapos tumaob ang bangkang kanilang sinakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa para sa panibagong pag-ibig para sa girlfriend ng yumaong Hashtags member na si Franco Hernandez.

Sa kanyang social media account ay ibinahagi ni Nam ang litrato ng isang hindi niya pinangalanang lalaki. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbahagi siya ng ganoon simula ng pumanaw si Franco.

Bumuhos ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers at pati na rin mula sa mga kaibigan niya sa showbiz.

Janica Nam Floresca, nakahanap ng bagong pag-ibig matapos ang 3 taon

Janica Nam Floresca (Photo from janicanam/Instagram)
Source: Instagram

Ayon sa mga netizens, magiging masaya din umano si Franco para sa kanya.

Even without Franco, I'll be happy for what you choose in life!
Your angel sent you an angel to love you more everyday
Franco will be happy too.. ♥️ Happy for you Nam!

Matatandaang naging kontrobersiyal ang imbestigasyon sa nangyaring aksidente sa kanila na ikinasawi ni Franco.

Nasa bakasyon sila kasama ang kapwa Hashtags member ni Franco na si Tom Doromal at ang kasintahan nito. Tumaob ang kanilang sinasakyang bangka na naging dahilan ng pagkahulog nila sa tubig.

Nagpalutang-lutang sila habang naghintay ng tulong ngunit hindi na pinalad si Franco dahil nawalan na ito ng buhay bago pa madala sa pagamutan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Janica Nam Floresca ay isang Chinese model na naging bahagi na rin ng ilang mga teleserye kagaya na lamang ng Wild Flower na pinagbidahan ni Maja Salvador.

Isa din siyang commercial model at product endorser. Matapos ang pagpanaw ni Franco, nanatili ang pag-alala ng dalaga sa kanilang mga alaala.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi nito nakaligtaang batiin ang yumaong Hashtags member sa ilang mahahalagang okasyon ng kanilang buhay kabilang na sa kanilang anniversary.

Naging maintriga din ang pahayag ni Nam hinggil sa pangyayari noong sila ay naaksidente sa kanilang bakasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel