Angel Locsin at Neil Arce, umalma sa fake news tungkol sa umano'y paghihiwalay nila

Angel Locsin at Neil Arce, umalma sa fake news tungkol sa umano'y paghihiwalay nila

- Inalmahan ng magkasintahang Angel Locsin at Neil Arce ang mga lumalabas na balita na umano'y nagkahiwalay na sila

- May mga balita ding kumakalat na nagsasabing hindi na matutuloy ang kanilang nakatakdang pagpapakasal

- Sinabi ng aktres na fake news ang kumakalat na mga balita sa pamamagitan ng kanyang Instagram story

- Gayundin si Neil, tila pinagkibit-balikaat na lamang nito ang mga paninira ng mga taong patuloy na nagpapakalat ng malisyoso at mapanirang balita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umalma ang magkasintahang Neil Arce at Angel Locsin sa mga hindi mamatay-matay na mga isyung ipinupukol sa kanila.

Iniintriga ang kanilang pagsasama sa kasalukuyan matapos lumabas ang mga usap-usapan na nagkahiwalay na umano sila nang tuluyan at hindi na matutuloy umano ang nakatakdang pagpapakasal nila.

Sa kanyang Instagram story ay sinabi ni Angel na fake news ang kumakalat na balita.

“Oh wow. Can’t believe some people would stoop this low. Why do some people make this much effort to put me in a bad light? That is the question?” aniya bilang tugon sa mga balitang kumakalat.

Angel Locsin at Neil Arce, umalma sa fake news tungkol sa umano'y paghihiwalay nila

Angel Locsin (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Hindi naman sineryoso ni Neil ang mga lumalabas na paninira. Sa kanyang Instagram story ay sinagot niya rin ang nasabing isyu.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Muntikan na ko maging victim ng fake news. Buti na lang hindi Neil Arci ang pangalan ko.” aniya.

Magkasama sina Angel at Neil sa taping ng programang “Iba ‘Yan” na napapanood tuwing Linggo. Habang si Angel ang host ng nasabing programa, direktor naman si Neil.

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang naging laman ng balita ang aktres kamakailan dahil sa kanyang matapang na pahayag sa mga kasamahan niyang artista na nanatiling tahimik kaugnay sa ABS-CBN franchise.

Hindi rin niya napigilang magbigay ng komento hinggil sa pahayag ni Spox Harry Roque hinggil sa donasyon ng ABS-CBN sa panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel