Billy Crawford, aminadong kamukhang-kamuha ni Coleen ang anak nila

Billy Crawford, aminadong kamukhang-kamuha ni Coleen ang anak nila

- Proud na proud ang first-time daddy na si Billy Crawford sa kanyang mag-ina na sina Coleen Garcia at kanilang anak na si Amari

- Kitang-kita sa kanyang mga social media posts kung gaano siya ka proud ay kasaya sa pagkakaroon nila ng anak

- Sa panibagon post ay aminado ang TV host na hindi niya kahawig ang mukha ng kanilang panganay

- Gayunpaman, masaya umano siyang kamukha ito ng kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bakas sa TV host/actor/singer na si Billy Crawford ang labis na kaasiyahan sa kanyang pagiging ama sa anak nila ni Coleen Garcia.

Bukod sa kanyang pagiging hands-on sa pag-aasikaso sa mga pangangailangan ng kanyang mag-ina, buong pagmamalaking ibinahagi ni Billy ang litrato ng kanyang mag-ina.

Aniya, hindi niya kamukha si Amari ngunit masaya siyang nagmana ito sa kanyang asawang si Coleen Garcia.

BB Gandanghari, binalikan ang naging "honeymoon period" nina David at Jonathan
Billy Crawford, aminadong kamukhang-kamuha ni Coleen ang anak nila

Billy Crawford (Photo from Getty Images)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Can’t be more in love! @coleen love we made that! Hehe! Too bad he looks nothing like me hahah at least he looks like you, I’m good!" ani Billy sa caption ng kanyang post kung saan makikita siyang kinukuhanan ng litrato ang anak habang todo ngiti.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa pagiging hands-on at proud daddy ni Billy:

haha mag iiba pa yung looks niya after a few months dun niyo lang malalaman kung sino talaga kamuka
Grabe ang ngiti sa mukha hindi mababayran ng kahit anong bagay sa mundo
He will eventually look a lot like you as he grows up . We want to see little Billy in his apple cut..

Si Coleen Garcia o Danielle Claudine Ortega Garcia-Crawford sa tunay na buhay ay isang aktres, host at model. Naging host siya ng noontime show na It's Showtime mula 2012 hanggang 2016 kung saan nakilala niya ang kanyang asawang si Billy Crawford.

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang isinapubliko nina Billy at Coleen ang tungkol sa pagbubuntis ng aktres nito lamang Mayo. Lalaki ang kanilang magiging anak ayon sa 'gender reveal' na idinaos online.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel