Janella Salvador, deadma sa kumakalat na pregnancy rumors

Janella Salvador, deadma sa kumakalat na pregnancy rumors

- Matapos umamin nina Janella Salvaddor at Markus Paterson tungkol sa kanilang relasyon, may mga lumabas na espekulasyon

- Ito ay hinggil umano sa pagdadalang-tao ng aktres na naging dahilan ng kanilang pagpunta sa ibang bansa

- Lalong umugong ang mga usap-usapan nang makita sa social media post ng ina ni Janella na kasama nila si Marcus

- Sa gitna ng mga lumalabas na mga balita, nanatiling tahimik lamang ang kampo ng magkasintahan hinggil sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagpakita si Janella Salvador na apektado siya sa mga lumalabas na mga balita tungkol sa umano'y pagdadalang-tao niya.

Lumabas ang mga espekulasyon na siya ay buntis matapos ang pag-amin nila ni Markus Paterson tungkol sa kanilang relasyon.

Lalong naging maugong ang usap-usapan nang makita ng netizens na kasama ng ng ina ni Janella na si Jenine Desiderio si Markus na nakikipaglaro sa nakababatang kapatid ni Janella.

Kasunod nito, sa isang live video ay narinig ang sinabi ni Janella na "Hindi siya allowed" na tumalon.

Sa kanyang ibinahaging social media post bilang pagpromote ng isang dental clinic, nagbahagi ng litrato si Janela na inaamoy ang mga bulaklak.

Sa comment section ng nasabing post, may ilang mga netizens ang nagtanong kung totoo ba ang balitang buntis siya. Mayroon ding humiling na sana ay magbahagi ng whole body picture ang aktres.

Matatandaang napabalita ang tungkol sa relasyon nina Janella at Marcus matapos silang mamataan sa ilang okasyon na magkasama. Sa kabila ng mga lumabas na mga balita at blind items, walang pag-amin o pag-deny na naganap simula nang lumabas ang isyu tungkol sa kanilang dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Janella Salvador ay nakilala sa kanyang husay sa pag-awit at sa pag-arte. Naipareha siya kay Elmo Magalona sa teleseryeng Born For You.

Janella Salvador, deadma sa kumakalat na pregnancy rumors

Janella Salvador/Instagram
Source: Instagram

Gayunpaman, hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang relasyon matapos sabihin ni Janella na sinaktan umano siya ni Elmo. Nagkatampuhan din si Janella at ang ina nito noong panahong napapabalitang si Elmo ang kanyang karelasyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang isyu tungkol sa aktres at dating P.A. nito matapos mag post sa social media ang sinibak niyang PA at dumulog sa programa ni Raffy Tulfo.

Ipinagtanggol naman ni Markus ang aktres sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanyang pananaw tungkol sa isyu ng pagkakatanggal ng isang empleyado.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel