Heart Evangelista, kinaaliwan dahil sa reaksiyon niya sa mga dating videos

Heart Evangelista, kinaaliwan dahil sa reaksiyon niya sa mga dating videos

- Marami ang naaliw sa reaksiyon ni Heart Evangelista sa kanyang mga lumang video

- Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Heart ang isang video kung saan muli niyang pinanood ang mga luma niyang video

- Habang nanonood ay hindi maiwasang mailang ni Heart dahil sa umano'y "kaartehan" niya noon

- Patunay umano ang mga videos na ito na totoong maarte talaga siya kahit noon pa mang teenager pa lang siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Heart Evangelista ang isang video na kung saan muli niyang pinanood ang ilang mga videos niya noong siya ay nag-uumpisa pa lamang sa showbiz.

Hindi mapigilang mapapikit ni Heart habang pinapanood ang isang video ng isang dance prod nila ni John Pratts sa ASAP.

Gayunpaman, nagustuhan niya na noong panahong iyon ay ginagawa niya ang mga bagay kahit pa maituturing niyang labas iyon sa kanyang comfort zone.

Kim Chiu, ibinahagi ang masayang bonding moment kasama ang kapatid at pamangkin

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos panoorin ang isang video clip na mula sa "Berks", napakwento si Heart tungkol sa pinagsamahan nila ni John Pratts.

Ayon sa kanya 02/02/02 ang petsa na naging magka MU sila dahil na rin sa palagi silang magkasama sa mga TV projects.

Magkaibigan umano sila ngayon ni John at naging sobrang komportable nila sa isa't-isa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Heart Evangelista, kinaaliwan dahil sa reaksiyon niya sa mga dating videos

Heart Evangelista (Photo by Claudio Lavenia/Getty Images )
Source: Getty Images

Aminado siyang maarte na siya dati pa at nagpapakatotoo lamang umano siya sa kanyang sarili. Buti na lang umano at minahal siya ng mga tagasuporta niya kahit maarte siya.

Napatili pa siya habang pinapanood ang isang video kung saan siya ay kumakanta ng awiting Insensitive ni Lean Rymes.

Ikinasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

Viy Cortez, natupad ang pangarap ng kanyang mga magulang na magkaroon ng sariling bahay

Sa kabila ng pagiging positibo ng katauhan ng Kapuso aktres, mayroon pa ring mga nagba-bash. Kamakailan, bumwelta din siya sa isang basher na tinawag siyang "squammy" sa kanyang Instagram Live.

Bilang isa sa pinakasikat na artist sa kasalukuyan, hindi nakakalimutan ni Heart na magbahagi ng kanyang natanggap na biyaya. Sa katunayan, personal siyang namahagi ng tulong sa mga ospital na nangagailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel