COVID-19 recoveries sa bansa, umabot muli sa mahigit 20,000 sa loob ng isang araw

COVID-19 recoveries sa bansa, umabot muli sa mahigit 20,000 sa loob ng isang araw

- Umabot muli sa mahigit 20,000 ang mga naitalang naka-recover sa COVID-19 sa bansa

- Dahil dito, may kabuuang bilang na 207,568 ang lahat ng COVID-19 survivors sa Pilipinas

- Nangunguna pa rin ang NCR sa may pinakamaraming kaso sa buong Pilipinas

- 49,277 ang active cases sa bansa mula sa kabuuang bilang na 261,216

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

COVID-19 recoveries sa bansa, umabot muli sa mahigit 20,000 sa loob ng isang araw

COVID-19 (Photo from Public Domain)
Source: UGC

Muli na namang nagkapagtala ang bansa ng mataas na bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 ngayong araw, Setyembre 13.

Nalaman ng KAMI na umabot ito sa 20,472 na tila inaasahan na ng publiko tuwing araw ng Linggo.

Dahil dito, umabot na sa 207,568 ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 survivors sa bansa.

Samantala, 3,372 pa rin ang nadadag sa mga nagpositibo sa COVID-19 ngayong araw.

1,307 dito ay mula sa Metro Manila, sinundan ng Cavite na may 240 new cases.

Ed Caluag at Ana Dela Cruz, tugma ang mga nakitang kababalaghan sa opisina ni Tulfo

207 naman ang naitala ng Laguna ngayong araw, 199 sa Negros Occidental habang 145 naman sa Bulacan.

Sa ulat ng Inquirer, nasabing 87.6% sa mga ito ay mild cases lamang. 8.8% ang mga asymptomatic, 1.4% ang severe habang 2.2% naman ang critical.

49, 277 ang active cases sa bansa habang 261, 216 naman ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

Samantala, 79 ang mga nai-ulat na pumanaw na siyang bumuo sa bilang na 4,371 deaths dahil sa virus.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nilinaw din ng Department of Health na ang 2,850 o 85% ng mga naitalang kasong ngayong araw ay mula sa mga nahuling resulta ng test na nakuha nila mula pa noong Agosto 31 hanggang Setyembre 13.

Inilahad din nila na naayos na rin nila ang ilang duplicates sa kanilang datos upang maisaayos ito sa tamang bilang.

Nurse na low-risk sa COVID-19, tinamaan ng virus at biglaang pumanaw

Ayon sa GMA News, nagkaroon din ng 8 na inakalang recoveries ngunit matapos ang masusing pagberipika, lumabas na 7 sa mga ito sa bilang ng namatay at isang additional active case.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Halos isang buwan na ang nakararaan nang magkaroon ng mahigit 40,000 ang naitalang recoveries sa isang araw.

Ilang linggo pa ang lumipas at patuloy na nagbibigay ng pag-asa ang mataas na bilang ng recoveries sa tuwing matatapos ang linggo.

Gayunpaman, patuloy pa ring pinag-iingat ang publiko lalo na at marami-rami na rin ang mga napapahintulutang lumabas dahil maraming bahagi sa bansa ang nasa enhanced community quarantine na o modified enhanced community quarantine na rin.

Ito ay upang mabigyan na ng pagkakataong makapag-hanapbuhay ang mga kababayan nating ilang buwan ding naghikahos dahil sa pansamantalang pagtigil sa trabaho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel