Billy Crawford, umalma sa komento ng netizen sa breastfeeding picture ng kanyang mag-ina

Billy Crawford, umalma sa komento ng netizen sa breastfeeding picture ng kanyang mag-ina

- Pinasalamatan ni Billy ang asawang si Coleen Garcia sa sakripisyo nito para mailuwal ang kanilang anak

- Kasabay nito, ibinahagi ni Billy ang breastfeeding picture ng kanyang mag-ina

- Gayunpaman, may iilang netizen na nagkomento tungkol dito dahil sa nakikitang bahagi ng katawan ni Coleen

- Sagot naman ni Billy, wala siyang nakikitang masama sa ibinahaging picture dahil natural lamang iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinagot ni Billy Crawford ang isang netizen na nagkomento sa litratong kanyang ibinahagi sa Instagram kung saan pinasalamatan niya ang asawang si Coleen Garcia sa lahat ng kanyang sakripisyo upang mailuwal ang kanilang anak.

Kasabay ng kanyang mensahe ng pasasalamat at appreciation sa kanyang asawa, ibinahagi ni Billy ang litrato ni Coleen na nagbi-breastfeed sa kanilang anak. Mapapansin na nakikita ang bahagi ng dibdib ni Coleen kaya napakomento ang ilang netizens.

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya
Billy Crawford, umalma sa komento ng netizen sa breastfeeding picture ng kanyang mag-ina

Billy Crawford (Photo by Tony Barson Archive/WireImage via Getty Images)
Source: Getty Images

Isang netizen ang nagsabing dapat ay tinakpan kahit papaano yung maselan na bahagi. Gayunpaman, marami sa mga netizens ang nangatwirang walang masama sa litratong ibinahagi ng TV host.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa pang Instagram user ang nagtanong kung wala na bang ibang litrato na pwede niyang post.

"Sorry wla na bang ibang pwedng picture na ipost mo po @billycrawford ? Btw congrats"

Sagot ni Billy, walang mali sa kanyang post at natural lamang iyon bilang isang ina na nagpapakain sa kanyang anak.

"This to me is the most natural and beautiful pic of a mom and child. All love:)"

Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa pahayag ni Billy.

Breastfeeding momma more than a year! Yep walang masama sa picture na to! Sarap kaya maging isang padede mom
Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel
I agree to Billy. This photo said it all.. the natural and REAL beauty of motherhood.
Wala naman po siguro masama sa picture o sa pinost ni @billycrawford. Dahil oh ba nakalabas yung dede? Isang magandang litrato po yan sa isang magulang na nagpapabreastfeed ng anak

Si Coleen Garcia o Danielle Claudine Ortega Garcia-Crawford sa tunay na buhay ay isang aktres, host at model. Naging host siya ng noontime show na It's Showtime mula 2012 hanggang 2016 kung saan nakilala niya ang kanyang asawang si Billy Crawford.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang isinapubliko nina Billy at Coleen ang tungkol sa pagbubuntis ng aktres nito lamang Mayo. Lalaki ang kanilang magiging anak ayon sa 'gender reveal' na idinaos online.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel