Carlo Aquino, ipinakilala si baby Enola Mithi Aquino sa madlang people

Carlo Aquino, ipinakilala si baby Enola Mithi Aquino sa madlang people

- Buong pagmamalaking ipinakilala ni Carlo Aquino sa kanyang Instagram followers ang isang baby na tinawag niyang si baby Enola Mithi Aquino

- Naka-tag sa nasabing Instagram post ang kanyang girlfriend na si Trina Candaza

- Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa mula sa kanilang mga followers at showbiz friends

- Matatandaang inamin ng dalawa ang tungkol sa kanilang relasyon noong 2019

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinakilala ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino ang anak nila ng kanyang kasintahang si Trina Candaza nitong Linggo, September 13, 2020.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktor ang isang close -up picture ng kanilang baby na kanilang pinangalanang Enola Mithi Aquino.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bumuhos ang pagbati para sa dalawa mula sa mga Instagram followers at mga kaibigan nila sa showbiz.

Liza Soberano, personal nang naghain ng kaso laban sa Converge employee na binastos siya

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga netizens:

Congratulations to Carlo Aquino and Trina! Buti naman hindi naka flatlay yung newborn tulad ng iba dyan. chos.
They deserve to be happy. I remember the time na sobrang binash sila ng mga tao. But look how God blessed them with a precious child. Smiling face with smiling eyes Hayst. Pogi mo always, Carlo Aquino!
Yung Cargel heart ko na-sad ng very light sa post ni Carlo Aquino of his baby Enola Mithi but welcome to parenthood crush

Matatandaang umani ng pambabatikos ang dalawa matapos mapabalita ang tungkol sa kanilang relasyon.

Marami sa mga umalma ay ang mga tagahanga ng tambalang CarGel. Gayunpaman, kinalaunan ay naging bukas na sa publiko ang tungkol sa relasyon nina Carlo at Trina noong 2019.

Si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

BFF ni Lloyd Cadena, pina-tattoo ang legendary icon ng yumaong vlogger
Carlo Aquino, ipinakilala si baby Enola Mithi Aquino sa madlang people

Carlo Aquino (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matapos ang muling tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, napabalita ang tungkol sa namuong pagtitinginan nila ni Trina Candaza hanggang sa tuluyan na nilang inamin ang kanilang relasyon.

Kamakilan lang ay naging hot topic din sa online world ang new look ng aktor matapos nitong ibahagi ang kanyang bagong hair color at hair style.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel