Mahal, napatawag sa manager niya matapos makarinig ng umiiyak na babae

Mahal, napatawag sa manager niya matapos makarinig ng umiiyak na babae

- Kinaaliwan ng mga netizens ang prank video ng YouTube content creator na si Mygz Molino

- Isang recording ng babaeng umiiyak ang pinatunog ni Mygz gamit ang isang bluetooth speaker upang i-prank ang komedyanteng si Mahal

- Paniwalang-paniwala si Mahal na minumulto sila at kahit halatang natatakot ay sinubukan nitong kausapin ang babaeng umiiyak

- Napatawag pa ito sa kanyang manager upang magpasundo dahil sa sobrang takot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi naitago ni Mahal ang takot matapos niyang makarinig ng isang babaeng umiiyak habang patulog na sila ng kasamang kapwa YouTube content creator na si Mygz Molino.

Lingid sa kanyang kaalaman, may kamera na nakatutok sa kanila upang makuhanan ang prank na inihanda ni Mygz.

Gamit ang isang bluetooth speaker at kanyang cellphone, pinatutunog ni Mygz ang pag-iyak ng babae.

Dahil sa sobrang takot ay inaya ni Mahal si Mygs na lumipat na lamang ng silid. Tinawagan din nito ang manager niya upang magpasundo.

Gayunpaman, kinuntsaba ni Mygz ito upang sakyan na lamang ang kanyang prank.

Mahal, napatawag sa manager niya matapos makarinig ng umiiyak na babae

Photo from Mahal Tesorero's Instagram account
Source: Instagram

Kinaaliwan ng maraming netizens ang pagkausap ni Mahal sa kanyang inaakalang nagmumultong babae. Tinanong niya ito kung ano ang kailangan niya at kung sino umano ang pumaslang sa kanya.

Pilit namang pinipigil ni Mygz ang kanyang taa habang nakikinig lamang sa mga sinasabi ni Mahal. Tuloy lang sa kanyang litanya ang komedyante hanggang sa tuluyan nang sabihin ni Mygz na siya lamang ang nagpe-play ng tunog ng babaeng umiiyak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kamakailan, muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga video niya kasama si Mygz Molino.

Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel