Janine Berdin, inaming nagpaayos ng kanyang ilong

Janine Berdin, inaming nagpaayos ng kanyang ilong

- Diretsahang inamin ni Janine Berdin na nagpaayos siya ng kanyang ilong

- Ayon pa sa mang-aawit, hindi pa umabot ng isang buwan ang kanyang nose enhancement procedure

- Aminado siyang hindi siya naging masaya sa kanyang sarili noon dahil sa kanyang insecurities kaya minabuti niyang magpaganda lalo

- Bukod sa kanyang ilong, nag-workout din ang 18 anyos na singer upang magbawas ng timbang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang kaarte-arteng sinagot ni Janine Berdin ang ilang katanungang ibinato sa kanya ni Vice Ganda nang maging guest siya sa online show ng TV host.

Sa October 11 episode ng Gabing Gabi Na Vice, buong tapang na inamin ni Janine na pinaayos niya ang kanyang ilong dahil ito daw ay isa sa pinaka-insecurity niya noon.

Bago pa lamang ang kanyang nose enhancement procedure at hindi pa umano ito umaabot ng isang buwan.

Flight Attendant na nakilala sa kanyang tiktok videos, natanggal sa trabaho

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Puro papuri naman ang namutawi sa bibig ni Vice dahil ayon sa kanya ay nagagandahan din siya at masaya siya para kay Janine.

Pagtatapat ni Janine, nalungkot siya para sa kanyang sarili na mismong sarili niya ang sourse umano ng kanyang kalungkutan. Matapos ang kanyang make-over, masayang-masaya si Janine.

Kwento naman ni Vice, nakaka-relate siya kay Janine dahil nagpagawa na rin siya ng ilang procedure kagaya ng sa pagbago ng hugis ng kanyang mata at yung sa kanyang baba.

Janine Berdin, ibinunyag ang kanyang pinagawa sa kanyang mukha

Janine Berdin (Photo from @janineberdin/Instagram)
Source: Instagram

Gayunpaman, nilinaw ni Vice na hindi nila pino-promote na kailangan magpa retoke para maging masaya.

Matatandaang marami ang nagulantang sa malaking pagbabago kay Janine matapos lumabas ang ilan niyang litrato.

Naging matindi ang labanan sa Grand Finals ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime na ginanap sa Aliw Theater noong ika-2 ng Hunyo taong 2018. Bukod sa 2 milyong piso, may negosyo at vacation package na napanalunan si Janine.

Viy Cortez, natupad ang pangarap ng kanyang mga magulang na magkaroon ng sariling bahay

Kasama ni Janine sa top 3 sina Ato Arman na pumangalawa kay Janine at si Steven Paysu naman ang pangatlo. Si Ato ay nag-uwi ng 500,000 pesos habang si Steven naman at 250,000 pesos.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa panayam ng ABS-CBN news kay Janine, sinabi nito na ang bahagi ng 2 milyon na napanalunan niya ay nakalaan na para sa kanyang lola na kinakailangan nang i-dialysis.

Sa isang episode ng Rated K, ipinakita ni Janine ang bahay na kanyang napanalunan sa Tawag ng Tanghalan.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel