Ivana Alawi, asar talo sa mga sagot ng kapatid sa Jojowain o Totropahin Challenge

Ivana Alawi, asar talo sa mga sagot ng kapatid sa Jojowain o Totropahin Challenge

- Patok na naman sa mga netizens ang panibagong video ni Ivana Alawi

- Matapos makatanggap ng maraming suhestiyon sa kanilang content, naisipan ni Mona na i-prank ang kanyang ate

- Pinilit niya ang ate niya na gawin nila ang Jojowain o Totropahin Challenge kung saan balak niyang inisin si Ivana

- Nilinaw ni Mona na wala pa sa isip niya na magka-boyfriend at ang kanyang mga sagot sa nasabing challenge ay para lamang asarin ang ate niya

Matapos makatanggap ng maraming request ng prank video, napagpasyahan ni Mona Alawi na pagbigyan ang mga netizens.

Pinilit niya ang ate niyang si Ivana Alawi na gawin nilang dalawa ang Jojowain o Totropahin Challenge kung saan iinisin siya ni Mona sa pamamagitan ng pagsagot ng alam niyang hindi gusto ng ate niya.

Makikitang naasar si Ivana sa sagot ni Mona na jojowain niya ang ilan sa mga nabanggit na mga male celebrities na sikat sa mga kabataan.

Ivana Alawi, asar talo sa mga sagot ng kapatid sa Jojowain o Totropahin Challenge

Ivana Alawi (Photo from her Instagram account)
Source: Instagram

Kahit malumanay ay pilit na nangatwiran si Mona na kinainis lalo ng kapatid. Dahil dito, napa walk-out si Ivana at sabay kinuha ang cellphone ng kapatid. Kinumpiska nito ang cellphone ni Mona.

Matapos asarin ng todo si Ivana, muling lumapit si Mona upang sabihing prank lamang ang lahat. Nilinaw din ng bunsong kapatid ni Ivana na wala pa sa isip niya ang magkaroon ng boyfriend.

Marami naman ang natuwa sa pagiging over-protective at mapagmahal na ate ng aktres.

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa StarStruck sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit anim na milyon ang kanyang YouTube subscribers sa loob lamang ng pitong buwan simula nang mag-umpisa siyang gumawa ng YouTube videos.

Sa naunang ulat, ibinahagi ni Ivana kung gaano kalaki ang kanyang kinikita sa kanyang YouTube videos.

Dahil sa angking kagandahan at kasikatan, binansagan si Ivana bilang bagong pantasya ng bayan. Gayunpaman, hinangaan siya hindi lamang sa kanyang panlabas na anyo kundi pati sa kanyang ugali.

Ibinahagi niyang tinanggihan niya ang isang manliligaw ubod ng yaman. Minsan na rin siyang na-link kay DJ Loonyo.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel