Amang napagkakamalang magnanakaw, pinili pa ring maging mabuti para sa mga anak

Amang napagkakamalang magnanakaw, pinili pa ring maging mabuti para sa mga anak

- Nabigyan ng kaunting tulong ang mag-aamang namumuhay lamang sa lansangan sa Makati City

- Iniwan daw sila ng kanyang misis kaya naman mag-isa niyang itinataguyod ang kanyang mga anak

- Kahit madalas na mapagkamalang magnanakaw, pinaninindigan pa rin niya ang pagiging mabuti para lamang sa mga anak

- Takot din naman daw talaga siyang gumawa ng masama dahil iniisip lagi niya ang kapakanan ng mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Amang napagkakamalang magnanakaw, pinili pa ring maging mabuti para sa mga anak

Si Johnny at kanyang panganay na anak (Photo from Denso Tambyahero Facebook)
Source: Facebook

Viral sa social media ang isa sa mga natulungan ng vlogger na si Denso Tambyahero.

Nalaman ng KAMI na nakita ni Denso sa Dela Rosa, Makati City ang mag-aama sa gilid ng kalsada.

Kinumusta ng vlogger ang ama na si Johnny at kasama nito ang kanyang dalawang anak.

Kwento ni Johnny, iniwan na sila ng kanyang misis kaya naman mag-isa niyang itinataguyod ang mga anak.

Wala raw silang makuhang maaring maupahang bahay dahil wala raw nagtitiwala sa kanya.

Inaakala raw kasi ng marami na siya ay balasubas at magnanakaw kaya hirap siyang makakuha ng maayos din na trabaho.

Pangangalakal ang ikinabubuhay ni Johnny. Bagaman at walang tirahan, nakikisilong lamang sila sa malapit na convenience store pag umuulan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kahit hirap sa araw-araw nilang pamumuhay, masasabi niyang masaya pa rin siya at nawawala ang kanyang pagod dahil sa kanyang mga anak.

Sisikapin din daw niyang pag-aralin ang mga ito. Kahit hanggang high school man lang daw ay igagapang niyang makatapos ang dalawang anak.

Naghihikahos man, sinisikap din niyang maibigay kahit paano ang mga kagustuhan ng mga supling.

Dahil dito, labis na humanga si Denso kaya naman nag-abot siya ng tulong sa mag-aama.

Ibibili raw ito ng mga gamit ng bata at pagkain at maaring paninda upang sila ay may kitain.

Narito ang kabuuan ng video na umantig sa puso ng maraming netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tunay na hindi rin matatawaran ang pagmamahal at pagmamalasakit ng isang ama sa kanyang mga anak.

Bilang isang magulang, hangad din nila ang kabutihan para sa mga supling na nagsisilbing kaligayahan nila.

Sa hirap man o ginhawa, handang gawin lahat ng isang ama upang magabayan ang mga anak lalo na kung wala na ang ina ng mga ito.

Gaya na lamang ng isang ama na kahit may sarili nang pamilya ang kanyang anak, kinupkop pa rin niya ito nang ito ay magkasakit upang maalagaan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel