Lolo na dahon ng saging ang ginawang face shield, pinagmalasakitan ng mga pulis

Lolo na dahon ng saging ang ginawang face shield, pinagmalasakitan ng mga pulis

- Viral ang larawan ng isang lolo na dahon ng saging na lamang ang ginawang face shield

- Pagdating sa checkpoint sa Cauayan City, napansin ng mga pulis ang suot na dahon ng saging ng lolong sakay ng kanyang bisikleta

- Dala ng kahirapan, hindi umano ito makabili ng face shield o face mask bilang proteksyon sa COVID-19

- Hindi siya sinita o hinuli ng mga pulis kundi binigyan pa siya ng face mask upang may magamit ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lolo na dahon ng saging ang ginawang face shield, pinagmalasakitan ng mga pulis

Photo (from Cauayan City Police Station Facebook)
Source: Facebook

Nadurog ang puso ng mga netizens sa larawang ibinahagi ng Facebook page ng Cauayan City Police Station sa Isabela tungkol sa lolo na walang pambili ng face shield.

Nalaman ng KAMI na dahon lamang ng saging ang suot ng matanda sa pagbibisekleta nito.

Sa pagnanais niya na makasunod sa pagsusuot ng face mask at face shield sa lungsod bilang proteksyon sa COVID-19, ang malaking piraso ng dahon na lamang ang kanyang ginamit.

Ayon sa ABS-CBN News, nakita raw ng mga pulis sa checkpoint ang lolo at tinanong kung bakit iyon lamang ang kanyang ginagamit.

Nang malamang wala itong pambili ng face shield, minabuti ng mga pulis na bigyan ng totoong face mask ang kaawa-awang matanda.

Base sa ulat ng Bandera, dapat sana'y mapapatawan ng penalty ang lolo sa hindi pagsusuot ng face mask at face shield, ngunit dahil nakita ng mga pulis ang pagnanas ng matanda na sumunod sa patakaran ngunit wala lang talaga siyang pambili, binigyan na lamang nila ito at pinaaalalahanan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Agosto 15 pa nang magsimulang ipatupad ang pagsusuot ng face shield bilang karagdagang proteksyon sa COVID-19.

Nauna na itong ipatupad sa mga pampublikong sasakyan ngunit kalaunan ay maging sa mga nagtatrabaho at pumupunta sa iba pang matataong lugar tulad ng mall.

Tulad ni ng matandang ito sa Isabela, isa ring lolo sa Mindoro ang gumamit naman ng bao para lamang makasunod sa pagsusuot ng face mask.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wala rin daw siyang pambili ng mask o shield at dahil maraming bao sa kanilang lugar, ito ang naisip niyang gamitin.

Subalit mayroon namang Chinese businessman na gumastos ng halagang ₱73.2 milyon para lang magpasadya ng face mask na yari sa ginto at diyamante.

Gayunpaman, mahalaga ang pagsusuot ng face mask at face shield na masasabing pinakamabisang proteksyon natin sa COVID-19 lalo na at wala pa ring natutuklasang lunas para rito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel