Grab driver, umabot umano sa 160k ang utang sa kanyang ex-GF

Grab driver, umabot umano sa 160k ang utang sa kanyang ex-GF

- Inirereklamo ni Nhojvee Cacho ang kanyang ex-boyfriend na si Gabriel Esperidion dahil "ginamit" lang daw siya nito

- Sa loob ng kanilang tatlong taong relasyon ay umabot na sa 160k pesos ang utang nito sa kanya

- Mariing itinanggi ni Gabriel na meron siyang utang kay Nhoj at magsampa na lang daw ng kaso sa korte

- Meron namang ebidensya si Nhoj na magpapatunay na totoong may utang siya rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang staff ng Okada ang dumulog sa tanggapan ng "Raffy Tulfo in Action" upang ireklamo ang kanyang ex-boyfriend dahil sa "ginamit" at "ginatasan" lamang daw siya nito.

Nalaman ng KAMI na si Nhojvee Cacho ay karelasyon si Gabriel Esperidion ng tatlong taon. Ayon kay Nhoj, walang permanenteng trabaho noon si Gabriel.

Kaya naisipan ng ina ni Gabriel na bilan ito ng sasakyan para ipang-Grab at pagkakitaan.

Raffy Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Tuwing kakapusin daw si Gabriel ay manghihiram ito ng pera kay Nhoj para ipang-bayad sa monthly ng sasakyan.

Umabot na nga sa 160k pesos ang naging utang ni Gabriel sa kanya. Tuwing mangungutang daw ito sa kanya, ito pa ang nagagalit pag sinasabi niyang "titingnan muna niya kung meron siyang pera."

Nang kausapin ng team ni Raffy Tulfo si Gabriel ay sa text lamang ito sumagot at itinatanggi niya na meron siyang utang kay Nhoj.

Meron namang ebidensya si Nhoj na inaamin ni Gabriel ang kanyang mga utang dahil sa kanilang mga naging pag-uusap sa text.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael Teshiba Tulfo o mas kilala bilang Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist na may radio program sa Radyo5 92.3 News FM na may pamagat na "Wanted sa Radyo".

Sa nakaraang balita, sobrang na-stress si Raffy Tulfo matapos niyang malaman ang lihim ng isang misis sa mister niyang OFW sa Japan.

POPULAR: Read more news about Raffy Tulfo

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel