Markus Paterson, inilantad na ang relasyon nila ni Janella Salvador

Markus Paterson, inilantad na ang relasyon nila ni Janella Salvador

- Umani ng samu't-saring reaksyon ang ibinahaging video ni Markus Paterson sa kanyang Instagram account

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay isinapubliko ng aktor ang matamis na pagtitinginan nila ng aktres na si Janella Salvador

- Mayroong mga nagulat sa ibinahagi ng aktor at mayroon ding natuwa para sa dalawa dahil sa wakas ay isinapubliko na nila ang kanilang relasyon

- Matagal nang napapabalita ang tungkol sa kanilang relasyon ngunit nanatiling tikom ang bibig nila tungkol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay isinapubliko na ni Markus Patterson ang tungkol sa kanilang relasyon ni Janella Salvador.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng aktor ang isang video kung saan makikitang nakayakap sa kanya si Janella habang sumasayaw sila sa saliw ng awiting "Me and Mrs. Jones."

Hindi rin maikaila ang kanilang relasyon sa kanilang mga tinginan. Sa caption ng nasabing video, tinawag ni Markus na "my world" ang aktres.

Umani ng samu't-saring reaksyon ang video na ito. Mayroong mga nagulat sa ibinahagi ng aktor at mayroon ding natuwa para sa dalawa dahil sa wakas ay isinapubliko na nila ang kanilang relasyon.

Maging ang ilang mga celebrities ay bumati at naghayag ng kanilang kasiyahan para sa dalawa. Ilan sa mga nagbahagi ng kanilang komento ay sina Maja Salvador, Sue Ramirez, Bianca Gonzales, Moira dela Torre, Kyle Echarri, Darren Espanto at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang napabalita ang tungkol sa kanilang relasyon matapos silang mamataan sa ilang okasyon na magkasama. Sa kabila ng mga lumabas na mga balita at blind items, walang pag-amin o pag-deny na naganap simula nang lumabas ang isyu tungkol sa kanilang dalawa.

Markus Paterson, inilantad na ang relasyon nila ni Janella Salvador

Janella Salvador/Instagram
Source: Instagram

Si Janella Salvador ay nakilala sa kanyang husay sa pag-awit at sa pag-arte. Naipareha siya kay Elmo Magalona sa teleseryeng Born For You. Gayunpaman, hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang relasyon matapos sabihin ni Janella na sinaktan umano siya ni Elmo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang naging kontrobersiyal ang aktres matapos mag post sa social media ang sinibak niyang PA na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo.

Ipinagtanggol naman ni Markus ang aktres sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanyang pananaw tungkol sa isyu ng pagkakatanggal ng isang empleyado.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel