67-anyos na tanod na binugbog umano ng 7 beki, humingi ng tulong kay Raffy Tulfo

67-anyos na tanod na binugbog umano ng 7 beki, humingi ng tulong kay Raffy Tulfo

- Humingi na ng saklolo ang nabugbog na tanod na senior citizen sa programa ni Raffy Tulfo

- Pitong bakla umano ang pinagtulungan siyang bugbugin na kung di naawat ay baka ikinamatay pa niya

- Sinaway lamang niya ang mga baklang nag-iinuman sa kalsada ngunit hindi pa rin nagpatinag ang mga ito

- Nang pumunta sa isatasyon ng pulis para magpa-blotter, hindi raw mabuksan ng pulis ang laptop niya kaya di ito magawa at sinabing makipag-areglo na lamang sa mga nanakit sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

67-anyos na tanod na binugbog umano ng 7 beki, humingi ng tulong kay Raffy Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang 67-anyos na si Leonardo Bacus Sr., isang tanod na di umano'y pinagtulungang bugbugin ng pitong bakla.

Nalaman ng KAMI na sinaway lamang ng tanod ang mga baklang nag-iinuman sa kalsada dahil sa mahigpit itong ipinagbabawal kahit wala pang pandemya.

Ngunit hindi raw ito nagpatinag base sa salaysay ni Taty Leonardo sa panayam sa kanya ni Tulfo sa "Wanted sa Radyo."

Matindi ang mga pasa at sugat na natamo ng matandang tanod na ayon sa kanya ay maari pa raw niyang ikamatay kung hindi naawat ng kanyang mga misis ang mga nag-iinuman.

Sa kasamaang palad, nang ipapa-blotter na niya ang insidente sa pulisya, hindi siya nakunan ng pahayag dahil hindi raw mabuksan ang laptop ng naka-duty doon.

Pinag-aareglo na lamang din sila ng pulis dahil nauna pa sa kanya ang kanyang mga nirereklamo sa Police station.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang sinabi pa raw ng mga ito sa kanya, kung hindi raw siya makipag-areglo baka siya pa raw ang makulong gayung siya na nga ang nabugbog.

Depensa ng mga bakla, maging sila rin ay nasaktan ng tanod at nahampas ng batuta nito.

Maging si Tulfo ay uminit ang ulo sa ginawang aksyon ng pulisya na kitang-kita na raw umano ang kamalian.

Nararapat lamang daw na kuhanan pa rin ng blotter ang panig ng tanod at hindi ang sinasabi ni P/Cpl. George Endrina, investigator ng Pagadian City PNP na mag-iimbestiga muna sila.

Dapat din daw na arestuhin ang mga nambugbog dahil unang-una pa lamang, kaya naman sila sinaway ng tanod ay dahil mali ang pag-iinom na ginawa ng mga ito sa kalsada.

Dahil dito, mismo ang programa ni Tulfo ang magpapa-imbestiga sa nangyari upang malinawan kung bakit hindi agad naaksyunan ng tama ang sinapit ng walang labang tanod na senior citizen.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Minsan na ring uminit ang ulo ni Raffy Tulfo sa kanyang programa matapos na matuklasan ang katotohanan tungkol sa PWD na kanilang tinutulungan.

Lumabas kasi sa kanilang pagtatanong-tanong at pag-iimbestiga sa lugar na talagang loko ang PWD na nasaktan ng tricycle driver sa viral video.

Dahil dito, imbes na ipatuloy ni Tulfo ang pagpapagawa sana ng tindahan para sa PWD, ang tricycle driver na ang kanyang sinuportahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel