Marian Rivera, umayaw na sa paggawa ng teleseryeng "First Yaya"

Marian Rivera, umayaw na sa paggawa ng teleseryeng "First Yaya"

- Ibinahagi ni Marian Rivera na tuluyan na siyang umayaw sa teleseryeng First Yaya kasama si Gabby Concepcion

- Ayon sa aktres, ikinalungkot niya ang naging desisyon ngunit naisip niya na maaring malagay sa panganib ang kanyang mga anak sakaling tumuloy siya sa taping

- Napag-alaman niyang kailangan niyang mamalagi sa set ng ilang araw dahil sa locked-in taping

- Ipinaliwanag ni Marian sa kanyang kasamang si Gabby ang kanyang naging pasya at naintindihan naman siya umano ng aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Marian Rivera na napagpasyahan niyang huwag na muna ituloy ang paggawa ng teleseryeng First Yaya kung saan makakasama sana niya si Gabby Concepcion.

Ayon kay Marian ikinalungkot niya din ang kanyang desisyon dahil marami sa kanyang mga tagahanga ang nag-aabang sa kanilang serye.

Gayunpaman, naisip ng aktres ang magiging kalagayan ng kanyang mga anak sakaling ituloy niya ang paggawa ng proyekto at malalayo sa mga ito ng ilang araw dahil sa locked-in taping.

Ayon sa writer na si Dondon Sermino, inamin ni Marian ang tunay na dahilan sa naganap na online chikahan ni Marian at ilang malalapit na kaibigang press ng aktres.

Marian Rivera, umayaw na sa paggawa ng teleseryeng "First Yaya"

Marian Rivera (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Sa ibinahaging video ng writer sa kanyang YouTube video, inamin ng aktres na ang kaligtasan ng kanyang mga anak ang kanyang iniisip kaya niya napagpasyahang huwag nang ituloy. Ang kanyang mister na si Dingdong ay kasalukuyan umanong naka-qauarantine din dahil kakatapos lang nitong magtaping sa seryeng "Descendants of the Sun."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naintindihan naman umano ng GMA ang kanyang naging desisyon. Malaki umano ang pasasalamat niya sa kanyang home network dahil sa pag-unawa at konsiderasyon na ibinibigay sa kanya sa tuwing may mga hindi inaasahang pangyayari sa kanyang buhay kagaya na lamang nang mabuntis siya sa pangalawang anak na si Sixto.

Si Marian Rivera ay ang isa sa mga pinaka sikat na artista sa Kapuso network. Naging bida siya sa Kapuso shows na “Darna” at “Marimar”

Kinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang ibinahagi ni Marian kamakailan ang kanyang pinagdadaanan sa pagsimula ng online class ng panganay niyang si Zia. Marami ang humanga sa aktres dahil sa pagiging maasikaso nito sa kanyang pamilya.

Kaya naman, hindi nakakapagtakang lumalaking bibo at talentado ang kaniyang mga anak. Kamakailan ay marami ang naaliw sa video ng kanyang panganay na si Zia na tumutugtog ng drums.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel