Alex Gonzaga, napaiyak ang kanyang tiyuhin sa kanyang prank video

Alex Gonzaga, napaiyak ang kanyang tiyuhin sa kanyang prank video

- Napaiyak ang tiyuhin ni Alex Gonzaga na mas kilala ng netizens sa pangalang Uncle Jojo

- Ito ay matapos biglang maisipan ni Alex na i-prank ito habang ginagawa nila ng kasintahang si Mikee ang isang Seafood Mukbang Challenge

- Pinaniwala ng magkasintahan na nagkakapikunan na sila at nag-aaway habang sumasagot sa mga tanong mula sa mga netizens na binabasa ni Uncle Jojo

- Marami naman ang humanga sa pagmamahal at respetong pinakita ni Uncle Jojo sa dalawa kahit pa ito ay naiyak na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nabiktima ng prank ni Alex Gonzaga ang kanyang tiyuhing si Uncle Jojo. Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ng YouTube content creator ang isang video kung saan makikitang kasama niya ang kasintahang si Mikee Morada at ang kanyang Uncle Jojo.

Habang kumakain ng mga seafood, salitang sinagot ng magkasintahan ang mga tanong mula sa mga netizens na binabasa sa kanila ng kanyang uncle.

Alex Gonzaga, napaiyak ang kanyang tiyuhin sa kanyang prank video

Alex Gonzaga (Photo from www.flickr.com/photos/danealegana/14448615134)
Source: UGC

Makikita sa kalagitnaan ng video na tila may ibinulong si Alex kay Mikee. Ito pala ay para kuntsabahin si Mikee na paniwalain si Uncle Jojo na nag-aaway sila.

Maging ang kanilang tagakuha ng video ay pasimpleng binulungan din ni Alex na kuhanan ng video ang magiging reaksiyon ng kanyang tiyuhin.

Naging mainit na ang kunwaring pagbabangayan ng magkasintahan at kunwaring napa-walk-out" si Mikee.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang kagustuhang balewalain ang namumuong tensyon, makikitang kahit naluluha ay pinilit ni Uncle Jojo na ituloy ang pagbabasa ng tanong.

Nang tanungin kung bakit siya naiyak, sinabi ni Uncle Jojo na naaawa siya sa pamangkin niya.

Marami sa mga netizens ang naaliw at humanga sa pagmamahal at respetong pinakita ni Uncle Jojo sa dalawa kahit pa ito ay naiyak na. Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga netizens:

Only show that Uncle Jojo loves his family so much that he doesn't want them arguing especially in the expense of their relationship... I'm so touched!
I want to have an uncle like you, Uncle Jojo. Alex is so lucky to have you.
I love uncle Jojo's reaction, means that he really loves Mikee and Alex

Si Catherine "Cathy" Cruz Gonzaga, o mas kilala bilang Alex Gonzaga, ay ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Si Mikee Morada, isang businessman, ang kasalukuyang boyfriend ni Alex. Naging open sila sa kanilang relasyon noong January 2017. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ibinahagi ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga ang kanyang saloobin hinggil sa pagpapasara ng ABS-CBN. Hindi din napigilang mag-react ni Alex sa sinabi ng isang netizen na malapit ang kaniyang pamilya sa mga Marcos.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel