Kris Aquino, diretsahang inaming hindi siya bet kaya hindi natuloy ang show niya sa TV5

Kris Aquino, diretsahang inaming hindi siya bet kaya hindi natuloy ang show niya sa TV5

- Diretsahang sinagot ni Kris Aquino ang tanong ng isang netizen tungkol sa pagkakaudlot ng kanyang proyekto sa TV5

- Isang netizen ang nagkumpirma kung may katotohanan ang balitang siya umano ang may problema at hindi ang TV network

- Inami ng TV host na nakilala sa bansag na 'Queen of All Media' na hindi siya bet kaya hindi natuloy ang show

- Matatandaang lumabas ang balitang muling magbabalik telebisyon si Kris ngunit ilang beses itong nagkaaberya hanggang sa napabalitang tuluyan na itong hindi matutuloy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos amining hindi na matutuloy ang pagbabalik telebisyon niya sa pamamagitan ng isang TV show sa TV5, diretsahang sinagot ni Kris Aquino ang mga bulung-bulungan na nasa kanya ang problema.

Isang netizen ang nagtanong, "Sabi po ikaw ang may problema not TV5."

Kris Aquino, diretsahang inaming hindi siya bet kaya hindi natuloy ang show niya sa TV5

Image courtesy of Instagram: krisaquino
Source: Instagram

Sagot naman ni Kris, siya nga ang problema kasi hindi umano siya "bet." Matatandaang sinabi ni Kris na hindi na matututloy ang TV show dahil may iba nang pinili ang producers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kris Aquino, diretsahang inaming hindi siya bet kaya hindi natuloy ang show niya sa TV5

Bimby and Kris Aquino (Photo by Albert L. Ortega/Getty Images)
Source: Getty Images

Matatandaang marami sa mga tagasuporta ni Kris ang natuwa sa balitang magbabalik-telebisyon si ito matapos niyang ibahagi ang isang teaser ng noong July sa kanyang social media accounts.

Ang palabas na “Love Life with Kris" ang nakatakdang unang TV show niya sana matapos ang apat na taon.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Matapos ang kanyang pagkawala sa telebisyon, naging aktibo si Kris sa social media kagaya ng Facebook, Twitter, Instagram at mayroon din siyang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nang lumabas ang tungkol sa balitang muli siyang mapapanood sa telebisyon, naghayag ng prangkang opinyon si Lolit Solis. Nauna na ring ibinahagi ni Kris ang pagmagandang loob ng TV host na si Willie Revillame matapos nitong ialok ang isang studio niya sa Wil Tower.

POPULAR: Read more about Kris Aquino here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel