Dubai YouTubers, ginamit ang Burj Khalifa para sa bonggang gender reveal ng kanilang baby

Dubai YouTubers, ginamit ang Burj Khalifa para sa bonggang gender reveal ng kanilang baby

- Viral ang video ng gender reveal ng YouTube couple ng Dubai dahil ang Burj Khalifa mismo ang ginamit nila para rito

- Tila naging New Year countdown ang gender reveal ng ikalawang baby ng Asala family

- Kilala ang mag-asawang vlogger na ito sa Dubai na talaga namang ginastusan ang gender reveal party ng bagong miyembro ng pamilya

- Kasalukuyan nang may 17 million views ang video ng enggrandeng gender reveal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dubai YouTubers, ginamit ang Burj Khalifa para sa bonggang gender reveal ng kanilang baby

Burj Khalifa (Screengrab photo from Mohamed Nossier's Facebook)
Source: Facebook

Usap-usapan ngayon sa social media ang bonggang gender reveal ng Dubai Youtubers na sina Anas and Asala Marwah.

Nalaman ng KAMI na sikat na vlogger sa Dubai ang dalawa na ginastusan ang gender reveal ng kanilang ikalawang anak.

Kasama ang kanilang panganay na babae at pamilya, tinunghayan nina Anas at Marwah ang enggrandeng rebelasyon na ito upang malaman ang kasarian ng magiging bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Tila isang New Year's eve countdown ang kaganapan kung saan nagbilang muna mula 10 pababa sa 1 bago umilaw ng kulay blue ang buong Burj Khalifa building at lumabas ang mga katagang "It's a boy."

Walang lobo o cake na ginamit, ngunit ang pinakamataas na building at istraktura sa mundo ang kanilang ginamit.

Binahagi ni Mohamed Nossier ang mismong video na nagpa-wow sa maraming netizens.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Makikita rin ito sa mismong Instagram ng Burj Khalifa kung saan binati ang pamilya sa magandang balita para sa kanila na nasaksihan naman ng buong mundo.

Ang buong detalye ng nakamamanghang gender reveal na ito ay binahagi nina Anas at Marwah sa kanilang YouTube channel at humahataw na ito sa mahigit 17 million views.

Narito ang kabuuan ng kanilang video:

Samantala, sa Pilipinas, isang pinakamamahal na Youtuber naman ang pumanaw kamakailan dahil sa COVID-19 at atake sa puso.

Marami ang nalungkot sa biglaang pagpanaw ni Lloyd Cadena sa edad na 26-anyos. Di lamang kasi kilala si Lloyd sa mga pagpapatawa at kasiyahang dala niya sa kanyang followers. Kilala rin si Llyod sa pagtulong niya sa kapwa at sa pagpapakita ng pagmamahal niya sa kanyang pamilya.

Isa sa mga pinakahuling video na nagawa ni Lloyd ay ang pautang prank sa kanyang mga kapwa YouTubers sa bansa.

Doon, tila magkaka-ideya ang makakapanood ng video kung gaano ang kinikita ng mga vloggers na tulad nila.

Ang karamihan kasi sa kanyang na-prank ay tila 'barya' na lamang ang P150,000 na hinihiram at hinihiritan ni Lloyd na kunwari lamang niyang uutangin.

Halos lahat ng kanyang nalapitan ay willing na ibigay na lamang ang nasabing halaga bilang tulong na raw sa YouTuber.

Lahat naman sila ay hindi makapaniwalang nanghihiram si Lloyd gayung alam nilang malaki ang kinikita nito bilang isa sa batikang vlogger sa Pilipinas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel