Suspek na nakapag-post pa sa socmed ng "hanapin niyo 'ko", nadakip na

Suspek na nakapag-post pa sa socmed ng "hanapin niyo 'ko", nadakip na

- Nadakip na ang suspek sa pagpatay sa kanyang amo makalipas ang tatlong taong hanapan

- Nakuha pa raw mag-post sa social media ng lalaking ito at tila hinamon pa nito ang mga awtoridad na hanapin siya

- Apat na araw daw na minatyagan ang suspek na ito upang makumpirmang siya nga ang lalaking pinaghahanap

- Mahaharap sa kasong murder at frustrated murder ang suspek na handa na raw pagbayaran ang kanyang nagawang kasalanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Suspek na nakapag-post pa sa socmed ng 'hanapin niyo 'ko', nadakip na

Photo (from Pikist)
Source: UGC

Nadakip na si Rodolfo Yupio Jr., ang suspek sa pagpatay sa kanyang among babae noon pang 2017.

Nalaman ng KAMI na naganap ang karumaldumal na krimen sa Pampanga ngunit natagpuan na si Yupio sa Batangas.

Ayon sa ulat ng GMA News, apat na araw na minanmanan si Yupio sa pinapasukan nitong trabaho upang makurpirma na siya talaga ito.

Base sa impormasyong inilatag ng National Bureau of Investigation (NBI), nagtangka umanong pagnakawan ni Yupio ang among si Catherine at Jake Joseph delos Santos.

Bumabali raw kasi ito na makuha ang sahod niya ng mas maaga ngunit hindi ito agad na napagbigyan.

Base sa Philippine Star, Nagising na lamang ang mister at nakitang duguan na ang asawa sa pananaksak ni Yupio.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Dahil sa pagtangkang pagpigil sa pananakit ng suspek, tinamaan din ng saksak ang among lalaki.

Agad na nakatakas ang suspek habang natulungan naman agad ang mag-asawa ng mga sumaklolong kapitbahay.

Naglaan pa umano ng P400,000 na pabuya sa sinoman ang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Yupio ayon sa ABS-CBN News.

Nagawa pa umanong mag-post noon ng suspek ng "Hanapin niyo 'ko!" sa social media na tila hinahamon pa ang awtoridad.

Nang madakip, hindi naiwasang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng suspek at mga kaaanak ng biktima na ilang taon ding naghintay ng hustisya.

Sinabi niyang hindi kasi siya payagan ng mga amo na makauwi ng probinsya at inamin niyang siya rin ay bumabali sa amo ng sarili niyang sahod at inu-unti unti rin niya itong bayaran.

"Sana po mapatawad nila ako. Pagbabayaran ko na lang po ang nagawa kong kasalanan," pahayag ng suspek.

Murder at frustrated murder ang haharaping kaso ni Yupio.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa mga gumulat na kaso sa publiko ngayong taon ay ang misteryo ng pagpaslang sa lady driver na si Jang Lucero.

Bagaman at may nadakip na di umano'y suspek sa malagim na pamamaslang kay Lucero, agad na pinalaya ito sa kakulangan ng ebidensya.

Magpasa-hanggang ngayon ay wala pa umanong usad ang naturang kaso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel