OFW, ibinahagi ang kalupitang sinapit sa amo bago makauwi ng Pilipinas

OFW, ibinahagi ang kalupitang sinapit sa amo bago makauwi ng Pilipinas

- Buong tapang na ikinuwento ng isang Pinay OFW ang kalupitang naranasan niya sa kanyang amo bago siya pauwiin nito sa Pilipinas

- Dalawang buwan na lamang sana at tapos na ang kanyang kontrata ngunit nagulat na lamang siya nang siya ay biglang pinauwi

- Ang masaklap pa rito, kakarampot lamang ang sahod niyang natanggap at nagawa pa siyang abusuhin

- Kasalukuyan na siyang nasa quarantine facility at desididong magreklamo sa OWWA matapos ang dalawang linggo niyang isolation

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

OFW, ibinahagi ang kalupitang sinapit sa amo bago makauwi ng Pilipinas

OFW (source: supplied)
Source: UGC

Matapang na binahagi ng isang OFW ang malupit na karanasan niya sa kanyang amo sa Saudi Arabia.

Nalaman ng KAMI na bagaman at nakauwi na ang ating kababayan, matinding pang-aabuso naman ang sinapit niya sa amo.

Sa kanyang Facebook post, nabanggit ni Kitty Jhay'z na dalawang buwan na lang sana at matatapos na ang kontrata niya.

Apat na buwan na siyang di pinasasahod at nang bigla siyang pinauwi, ikinaltas pa sa inaasahan niyang sahod ang pinambayad ng amo sa kanyang ticket.

Bukod pa rito, pinagsisira pa raw umano ng amo ang kanyang mga damit.

Nagawa ring ipaalis sa kanya ang kanyang saplot at pinagbihis sa harap ng mga amo upang masigurong wala umano itong ibang gamit na maiuuwi sa Pilipinas.

Ang matindi pa rito, makailang beses pa raw siyang nasaktan ng amo bago siya makaalis.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Labis ang hinanakit ng Pinay dahil sa araw-araw na maghapon niyang pagtatrabaho ay wala man lang siyang maiuuwi sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Umuwi raw siya ng bansa na sira-sira ang damit kaya hiyang-hiya siya sa airport pa lamang.

Ipinagpapasalamat na lamang niya ngayon na nakauwi na siya ng bansa at nakaalis na sa inilarawan niyang 'impyernong buhay' sa abroad.

Kasalukuyan nang nasa quarantine facility si Kitty. Matapos lamang daw ang 14 days na quarantine niya, desidido siyang magreklamo sa OWWA upang mapagbayaran ng kanyang amo ang mga di magandang ginawa nito sa kanya.

Hindi na niya ininda ang perang nawala, mas masakit ang pang-aabuso at pamamahiyang kanyang sinapit na siyang dahilan kung bakit ninais na rin niyang umuwi sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakalulungkot isipin na ang ilang kababayan natin ay nakararanas ng ganitong pagmamalupit sa kanilang amo sa ibang bansa.

Ang ilan naman tila sinuwerte at maagang nakapagpundar para sa kanilang pamilya kaya maagang makauuwi sa bansa.

Mayroon din namang hindi lamang bahay ang naipatayo kundi nakapagbukas na rin ng negosyo na siyang pagkakakitaan at di na muling mangingibang bansa pa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel