Matapos ma-Tulfo ng 2 beses! Tim Sawyer, pahinga muna sa social media

Matapos ma-Tulfo ng 2 beses! Tim Sawyer, pahinga muna sa social media

- Pahinga raw muna sa social media ang kontrobersyal na vlogger ngayon na si Tim Sawyer

- Sa isang Facebook post noong September 10, inihayag ni Tim sa kanyang mga followers ang balitang ito

- Kasunod ito ng pagkakasangkot nito sa kaliwa't kanang kontrobersiya kamakailan sangkot ang kinakasama nitong si China Roces na humantong pa sa programa ni Raffy Tulfo

- Matapos lamang ang ilang araw ay inireklamo rin ito sa programa ng dati nitong karelasyon at ina ng kanya raw anak sa Mindanao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magpapahinga raw muna sa social media ang kontrobersyal na vlogger ngayon na si Tim Sawyer.

Sa isang Facebook post noong September 10, inihayag ni Tim sa kanyang mga followers ang balitang ito.

Matapos ma-Tulfo ng 2 beses! Tim Sawyer, pahinga muna sa social media

Photo from Tim Sawyer Facebook account
Source: Facebook

Humingi rin ito ng tawad sa kanyang mga fans dahil na rin sa kaliwa't kanang isyung kinasangkutan kamakailan lang.

Matatandaang naging laman ng balita ang away nila ng kinakasama at kapwa vlogger na si China Roces na napanood pa sa isang Facebook Live.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ilang araw lang ang lumipas at patutsadahan sa social media ay humantong na nga ang dalawa sa programa ng batikang broadcaster na si Raffy Tulfo kung saan nagkaayos naman ang mga ito.

Pero hindi pa rito nagtapos ang isyung kinaharap ng vlogger dahil ilang araw lang pagkatapos magharap sa programa ni Tulfo ang couple ay isa namang ginang ang nagreklamo laban kay Tim

Si Winhelyn Romero na dating kinakasama ni Tim sa Cagayan de Oro at ang sinasabing ina ng anak nito sa Mindanao.

Sa nasabing episode, nagkausap ang dalawa at naungkat ang tungkol sa kanilang nakaraan.

Samantala, ayon kay Tim, ay nais sana niyang huwag nang idamay pa ang batang sinasabing anak niya sa gulong kinasasangkutan niya ngayon.

Niliwanag din ng vlogger na mahal niya ang bata kahit pa walang DNA test na maganap.

Nagpasalamat din siya kay Tulfo sa mga bumubuo ng programa sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na masabi ang kanyang panig.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala ang couple na sina Tim at China sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.

Isang vlogger/model din ang nadawit sa gulo ng dalawa ngunit mariin itong itinanggi ng dalaga.

Naging laman ng balita at social media ang sigalot sa pagitan ng dalawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel