Nakakikilabot na bulong sa mga video ni Tulfo, inilapit na sa mga eksperto

Nakakikilabot na bulong sa mga video ni Tulfo, inilapit na sa mga eksperto

- Umabot na sa tatlo ang mga video ng programang 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo na may narinig na kakaibang boses

- Sa naunang episode, isang video nila ang napansin ng mga netizens na may bumulong umano ng 'give and take'

- Dahil dito, nagsimula nang magkwento ng mga kababalaghang karanasan ang kanyang mga staff sa kasalukuyan nilang opisina

- Upang matuldukan na ang mga katatakutang nangyayari, lumapit na sa mga eksperto si Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Raffy Tulfo, lumapit na sa mga eksperto ukol sa mga nakakikilabot na boses sa kanilang videos

Raffy Tulfo (Photo from Raffy Tulfo's Instagram)
Source: Instagram

Patuloy na nadaragdagan ang mga videos ni Raffy Tulfo kung saan may mga 'nakakikilabot na bulong' ang naririnig ng kanyang mga tagasubaybay sa programang 'Wanted sa Radyo.'

Nalaman ng KAMI na sa naunang episode ng programa na may YouTube title na "Nakakapanindig Balahibong Boses sa Isang Video ng RTIA, Pinagkaguluhan ng mga Netizens" napag-usapan nina Tulfo at ng kanyang co-host na si Sharee Roman ang di umano'y bumulong ng mga salitang "give and take" sa isa nilang episode.

Dahil dito, napag-usapan nila sa programa ang mga kababalaghang nararanasan nila sa kasalukuyan nilang opisina.

Halos lahat ng kanilang staff ay may kanya-kanyang kwento ng katatakutan lalo na ang co-host ni Tulfo.

Ngunit sa episode nila ngayong Setyembre 11, napag-alamang hindi lamang pala isang video ang pinagkaguluhan ng netizens at umabot na ito sa tatlo.

Sa episode na kung saan isang Grab driver ang nakautang umano sa Okada, mayroon muling bumulong ng 'laban'.

Kamakailan, sa video naman ng babaeng nagsasabing naanakan umano siya ng YouTuber na si Tim Sawyer, maririnig naman ang isa na namang bulong na nagsasabing 'nak mo yan!'.

Upang matuldukan na ang mga katatakutang nangyayari sa kanilang opisina, minabuti nang kumunsulta ni Tulfo sa mga eksperto.

Nagbigay umano sila ng kopya ng mga kontrobersyal na videos kay Mark Yulo, audio engineering consultant at founding president Sound Technology Institute of the Philippines upang masuri ang mga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipinaliwanag ni Yulo na apat na proseso ang gagawin nila sa mga video upang makumpirma kung ano ang posibeng eksplanasyon sa boses o tunog na narinig sa mga video.

Una raw nilang isasagawa ang frequency analysis para malaman ang pinanggagalingan ng boses. Sunod ang spectrum analysis gamit ang spectrum analyzer, upang maikumpara ang narinig na sumapaw na boses sa mga boses ng mga host at maging ng editor ng mga video.

Aalamin din nila ang loudness level nito at ambiance sound analysis kung ingay lamang ba ito o may kababalaghan nga bang nangyayari sa naturang mga video.

Nabanggit din ng eksperto na base sa kanilang karanasan, nagkaroon ng pagkakataon na matapos ang ilang araw na pagsusuri at lahat ng analysis na ginawa, may mga bagay daw talaga na hindi 100% nae-explain ng Siyensya.

Hindi naman ito nalalayo sa pahayag ng isa pang ekperto na kinunsulta na Tulfo na si Jaime Licauco, kilalang parapsychologist at paranormal expert.

Ayon sa kanya, mayroong pagkakataon daw talaga na ang mga 'hindi pa natatahimik' na mga kaluluwa ay naririnig sa mga video at recordings.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng episode:

Ito marahil ang unang pagkakataong napag-usapan ang programa ni Raffy Tulfo na hindi tungkol sa mga reklamo ng mga naaagrabyado.

Kilala kasi ang kanyang programa na tumutulong sa sinuman ang nadedehado, ordinaryong mamamayan man o maging kilalang personalidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel