Donnalyn Bartolome, lumapit kay Rudy Baldwin dahil sa prediction nito

Donnalyn Bartolome, lumapit kay Rudy Baldwin dahil sa prediction nito

- Lumapit ang vlogger na si Donnalyn Bartolome sa kilalang psychic sa bansa na si Rudy Baldwin kaugnay sa naging prediksyon nito noong 2019

- Sa nasabing prediksyon ni Rudy na ibinahagi nito sa Facebook, sinabing isang magandang vlogger ang maaaksidente

- Mas naging kontrobersyal ang post na ito ni Rudy dahil sa isa pang prediksyon kasama nito kung saan sinabing isang vlogger ang mamamatay dahil sa cardiac arrest

- Noon lamang September 4 nang gulatin ang publiko ng biglaang pagkamatay ng sikat na vlogger na si Lloyd Cafe Cadena

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lumapit ang vlogger na si Donnalyn Bartolome sa kilalang psychic sa bansa na si Rudy Baldwin kaugnay sa naging prediksyon nito noong December 7, 2019.

Sa nasabing prediksyon ni Rudy na ibinahagi nito sa Facebook, sinabing isang magandang vlogger ang maaaksidente at mag-iiwan daw ng bakas ang nasabing trahedya.

Donnalyn Bartolome, lumapit kay Rudy Baldwin dahil sa prediction nito

Photo from Donnalyn Bartolome Facebook account
Source: Facebook

Ayon kay Donnalyn, ginawa niya ito upang mabigyan ng peace of mind ang ina.

"I had to ask RUDY Baldwin for my Mom’s peace of mind," anito sa isang FB post.

Sa isang vlog, ibinahagi ng dalaga ang naging panayam niya kay Rudy at tinanong tungkol sa prediksyon nito.

Agad naman siyang sinagot nito at sinabing hindi siya ang nasabing vlogger na maaaksidente.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Wala rin daw balak itago ni Rudy ang kanyang vision sa vlogger na nasa kanyang prediksyon.

Hiling na lang nito na sana raw ay agad na dumating ang tulong sakaling mangyari nga ang kanyang nakita.

Dahil dito, hinikayat ni Donnalyn ang mga kapwa vlogger na lumapit kay Rudy para na rin sa kanilang kaligtasan.

Naging kontrobersyal ang post ni Rudy ukol dito dahil sa isa pang prediksyon na kasama nito kung saan sinabing isang vlogger ang mamamatay dahil sa cardiac arrest.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang noon lamang September 4 nang gulatin ang publiko ng biglaang pagkamatay ng vlogger na si Lloyd Cafe Cadena.

Ayon sa statement na inilabas ng pamilya ni Lloyd, pumanaw ito dahil sa cardiac arrest base sa mga doktor.

Bago nito ay nag-positibo rin sa COVID-19 ang sikat na vlogger. Na-cremate na ang mga labi nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel