Suspek na tumakas sa pulis at nakasakay ng taxi, sa presinto hinatid ng driver

Suspek na tumakas sa pulis at nakasakay ng taxi, sa presinto hinatid ng driver

- Tatlong suspek ang nahuli ng mga pulis na sangkot umano sa paggamit ng pinagbabawal na gamot

- Nagpumiglas ang isang suspek sa pulis at nagtangkang tumakas ito hanggang sa nakasakay siya sa taxi

- Subalit, hindi naman inasahan ng suspek na sa pinakamalapit na presinto siya ihahatid ng taxi driver

- Paliwanag ng pulisya, kilala ang suspek sa pagtutulak umano ng ilegal na gamot sa Mandaluyong City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tampok sa social media ngayon ang balita ukol sa isang suspek na nagtangkang tumakas at sumakay ng taxi.

Nalaman ng KAMI na ang suspek ay sangkot sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Suspek na tumakas sa pulis at nakasakay ng taxi, sa presinto hinatid ng driver

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng GMA News, tatlong suspek ang inaresto at ang isa nga rito ay nakatakas at nakasakay pa ng taxi.

Subalit, nakita naman ng taxi driver na nakaposas ang suspek kaya hinatid niya rin ito sa pinakamalapit na presinto.

Kinilala ang suspek na si Glenn Perez. Aniya, magbabagong buhay na raw siya.

“Magbabago na po ako,” sabi ni Glenn.

Base sa YouTube video ng GMA News, sinabi ng pulisya na kilala ang suspek sa pagtutulak ng ilegal na gamot sa Mandaluyong. Ilang mga suspek din na nahuli ng pulisya ang nagsabi ng impormasyong ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang taxi driver naman ang nagkwento matapos siyang takasan umano ng kanyang pasahero na nasa higit P500 na ang bayad sa metro.

Samantala, ibinahagi ng isang netizen na nawalan ng trabaho ang isang taxi driver. Bukod pa rito ay pumanaw din ang driver matapos tumanggi ng mga tao na tulungan siya.

Isang taxi driver din ang nagantimpalaan matapos nitong magsauli ng wallet na napulot niya kahit na may matindi siyang pinagdadaanan dahil nasa ospital ang missis niya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel