Lola, napabilib ang marami sa version niya ng "When I look at you"

Lola, napabilib ang marami sa version niya ng "When I look at you"

- Viral ang video ng isang lola na kumanta ng 'When I look at you"

- Ginawa kasing challenge ito sa TikTok kung saan kinakanta ito ng nakahiga

- Ngunit hindi man siya nakahiga tulad nang sa challenge, marami ang napabilib ng lola sa galing nitong kumanta

- Sa kabila kasi ng edad nito ay napakahusay pa rin nitong umawit na parang hindi siya nahirapan kahit alam ng lahat na mahirap itong kantahin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lola na kumasa sa "When I look at you" challenge, hinangaan sa husay nitong kumanta

Photo (Screengrab from Pinoy Kantahan Facebook)
Source: Facebook

Agaw eksena sa social media ang isang lola na kumasa sa"When I look at you" challenge na patok na patok sa TikTok.

Nalaman ng KAMI na awitin ito ng international singer na si Mley Cyrus at marami ang nakapagsasabing mahirap itong kantahin.

Ngunit ang lola na si Precy Mortel sa video na binahagi nina Elizabeth Em at Anne Camoras sa Pinoy Kantahan FB page, tila hindi ito nahirapan sa pagkanta nito.

Sa kabila ng kanyang edad, hindi pa rin ito nagpatalo sa biritan na kadalasang ginagawa ng mga kabataan.

Ayon pa sa ibang netizens, kung hindi mo napapanood ang video at pinakikinggan mo lamang ito, hindi mo raw aakalaing isa nang senior citizen ang kumakanta.

Umabot na sa 260,000 ang mga reaksyon ng video sa dami ng napahanga ni lola Precy.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Samantala, ilang mga kilalang singers din ang kumasa sa challenge na ito.

Isa na rito si Morissette Amon na isa sa kilalang mahuhusay na singers ng bansa.

Maging sina Janine Berdin ng Tawag ng Tanghalan at si Rysi Avila ay may sarili ring bersyon ng "When I look at you".

2010 pa nang sumikat ang kanta na ito ni Miley Cyrus ngunit muli itong naririnig dahil sa TikTok.

Mula nang malagay sa community quarantine ang bansa, isa ang TikTok app sa nagbigay aliw sa mga Pinoy habang nananatili sila sa kani-kanilang bahay bilang pag-iingat sa COVID-19.

Ito ang nagsilbing libangan nila dahil sa mga nakakaaliw na videos na pwede nilang gawin o di kaya ay panoorin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral ang TikTok video ng anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin. Nagawa kasing sawayin ni Ruffa ang anak dahil sa sexy moves nitong pinakita sa kanyang video.

Subalit sa kabila ng saya na naidudulot ng TikTok sa atin, may ilang kwento ng mga videos doon na nagpaluha sa netizens.

Isa na rito ang video ng buntis na dudugsungan sana niya pagkapanganak. Subalit hindi na ito nadugtungan gaya ng plano dahil sa pumanaw ito sa panganganak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel