Raffy Tulfo, uminit ang ulo sa mga kalokohan ng viral na PWD na nasaktan ng trike driver

Raffy Tulfo, uminit ang ulo sa mga kalokohan ng viral na PWD na nasaktan ng trike driver

- Nangalap ng impormasyon ang programa ni Raffy Tulfo tungkol sa PWD na nasaktan umano ng isang tricycle driver

- Napag-alaman nilang 'loko' at mabisyo pa umano ang PWD at marami na itong naperwisyong tao

- Nagkaroon pa ito ng reklamo sa barangay na pagnanakaw ng pitaka na mariin naman niyang itinanggi

- Sa dami ng kalokohan ng PWD, mas tinulungan na ngayon ni Tulfo ang pamilya ng tricycle driver na naantala ang pagha-hanapbuhay dahil sa pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Raffy Tulfo, uminit ang ulo sa mga kalokohan ng PWD na nakaalitan ng trike driver sa viral video

Raffy Tulfo (Photo from Raffy Tulfo's Instagram)
Source: Instagram

Nalaman na ng programa ni Raffy Tulfo ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao ni Sammy Agustin, ang person with disability (PWD) sa viral video kamakailan na sinaktan umano ng isang tricycle driver.

Nalaman ng KAMI na umamin na noon ang tricycle driver na si Julius De Leon na napikon umano siya noon kay Sammy kaya nagawa niya itong saktan.

Bilang isang PWD si Sammy at siya ang sinaktan, nakuha niya ang simpatya ng publiko at lumabas na masama si Julius.

Ngunit dahil patas ang programa ni Tulfo, nagsagawa sila ng pag-iimbestiga at pagtatanong tungkol sa pagkatao ng PWD.

Napag-alaman nilang napakarami pala nitong di umano'y mga kalokohang nagagawa.

Hindi raw maganda ang tabas ng dila ni Sammy at talagang masakit kung mang-asar at mang-insulto ng iba.

May bisyo raw ito tulad ng pag-inom ng alak at paninigarilyo at nagagawa pa umano nitong magsugal.

Marami raw itong nakakaaway dahil sa mga salitang nabibitawan niyang labis na nakakasakit ng kapwa. Ito marahil ang dahilan kung bakit nagawa siyang saktan ng tricycle driver.

Ang malala, napag-alaman ding hindi totoong may cancer ang kanyang ina. Wala itong sakit at tila dumanas lamang ng depresyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Gumagamit pa umano ito ng solvent ayon sa ilang mga nakakakita sa kanya.

Mayroon ding record sa kanilang barangay ang PWD at nakapagnakaw daw ito ng pitaka.

Dahil sa mga kalokohang ito na nakalap ng staff ni Tulfo, di naiwasan uminit ang ulo ng host kaya napagtanto niyang mas dapat na nilang tulungan ngayon ang tricycle driver.

Sakaling ituloy daw ni Sammy ang kaso kay Julius, si Julius na o ang tricycle driver ang tutulungan ni Tulfo.

Naantala ng ilang araw ang pamamasada ng trike driver matapos nitong mag-viral, kaya naman napagdesisyunan ni Tulfo na magpaabot ng tulong sa pamilya nito.

Ang PWD naman bilang marami-rami na rin itong napeperwisyo ay ilalagak na sa Foundation of Persons with disability sa kanilang lugar sa Cauayan City, Isabela.

Binigyan na rin siya ng host ng 'Wanted sa Radyo' ng pera na katumbas ng ilang araw niyang hindi nakalimos.

Ito ay dahil sa pagpapagawan na sana siya ng programa ng tindahan ngunit maging ito ay matitigil nang malaman ang kanyang mga kalokohan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mabilis na nag-viral ang video ng tricycle driver na sinasaktan ang PWD kamakailan.

Unang humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo ang PWD ngunit lumabas ang katotohanang di talaga maganda ang ikinikilos nito kaninoman.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel