Tim Sawyer, inireklamo kay Raffy Tulfo ng ina raw ng kanyang 1 anak

Tim Sawyer, inireklamo kay Raffy Tulfo ng ina raw ng kanyang 1 anak

- Emosyonal na dumulog ang ginang na nagsasabing ina raw ng isa pang anak ni Tim Sawyer sa programa ni Raffy Tulfo

- Ayon kay Winhelyn Romero, nagkaroon sila ng relasyon ni Tim noong 2007 at nagsama sa iisang bubong sa Cagayan de Oro kung saan nabuntis umano siya nito

- Pero wala raw sana siyang balak na maghabol sa sikat na vlogger kung hindi ito nag-post laban sa kanya na naging dahilan ng kahihiyan niya at ng kanyang pamilya

- Depensa naman ni Tim, hindi siya ang ama ng bata lalo pa at sa dating kinakasama ni Winhelyn nakapangalan ang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal na dumulog ang ginang na si Winhelyn Romero sa programa ni Raffy Tulfo ngayong araw. Siya ang babaeng nagsasabing ina raw ng anak na sikat na vlogger na si Tim Sawyer.

Ayon kay Winhelyn, nagkaroon sila ng relasyon ni Tim noong 2007 at nagsama sa iisang bubong sa Cagayan de Oro sa loob ng isang taon kung saan nabuntis umano siya nito.

Ngunit nang malaman ni Tim ang tungkol sa kanyang pagbubuntis ay nanlamig na umano sa kanya ang lalaki.

Tim Sawyer, inireklamo kay Raffy Tulfo ng ina raw ng kanyang 1 anak

Photo from Tim Sawyer Facebook page
Source: Facebook

Base sa kwento ni Winhelyn, sinabi umano ni Tim na hindi pa ito handa dahil pangarap pa nitong maging artista noon.

Dahil dito ay napilitan daw si Winhelyn na ipangalan sa dati niyang kinakasama na foreigner ang kanilang anak ni Tim.

Wala rin daw sana siyang balak maghabol matapos ang 13 taon ngunit nasaktan daw siya nang mag-post si Tim tungkol sa kanya at siniraan umano siya nito.

Depensa naman ni Tim, hindi siya ang ama ng bata lalo pa at sa dating kinakasama ni Winhelyn nakapangalan ang bata.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Winhelyn din daw ang nagsimula ng lahat matapos itong mag-comment tungkol sa kanya sa kalagitnaan ng kinakaharap na isyu nito at ng partner na si China Roces.

Sa isang Facebook post ni Tim kamakailan ay inamin nito ang tungkol sa anak nito sa Mindanao. Alam din daw ni China at ng kanyang pamilya ang tungkol dito. Ngunit ang nasabing post ay burado na.

Base naman sa abogado na nakausap ni Tulfo, maaaring maghabol ng karapatan ang anak ni Tim kung mapapatunayan na ito nga ang ama.

Ngunit tumanggi si Tim na sumailalim sa paternity test at nanindigan na hindi siya ang ama ng bata dahil nakapangalan ito sa iba.

Sa isang FB post ng vlogger ngayong araw, hindi nito naiwasang mag-rant ukol sa isyu kay Winhelyn.

"PA IYAK IYAK KA SA TULFO TAPUS NGAYON KO LANG NA LAMAN WLA PALA SA PODIR MO YUNG BATA!!!!ANO SENSE NITONG PINAG LALABAN MO? SA MATA NG BATAS HINDI KO ANAK YUN KASI HINDI NAKA PANGALAN YAN SA DATI MONG ASAWA/BIYFRIEND TINURING KO NA PARANG ANAK KO NARIN YANG ANAK MO DIKO KAILANGAN E PROVE NA AKO ANG TATAY O HINDI SA BATA KAYA KO NAMAN BUHAYIN YUNG BATA KONG YAN TINATANONG MO...
"NO NEED D.N.A TEST PERO GAGAWA KA NG KADRAMAHAN SA TULFO DI NAMAN PALA IKAW NAG PAPALAKI SA BATA KAPATID MO NAKAKA HIYA KA...SANA DI MO NALANG PINA ABOT SA GANITO DINAGDAGAN MO LANG PROBLEMA KO!!" ani Tim sa post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan lang ay inireklamo rin ng partner nito na si China Roces ang internet star na si Tim Sawyer matapos ang kanilang kontrobersyal na FB Live.

Kilala ang couple na sina Tim at China sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.

Isang vlogger/model din ang nadawit sa gulo ng dalawa ngunit mariin itong itinanggi ng dalaga.

Naging laman ng balita at social media ang sigalot sa pagitan ng dalawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel