Grade school sweethearts, dalawang dekada nang masayang nagsasama

Grade school sweethearts, dalawang dekada nang masayang nagsasama

- Nakakbilib ang love story ng elementary sweethearts na ito na nanatiling matatag ang relasyon kahit nagsimula sila sa murang edad

- Mula nang sila ay nasa Grade 6, hindi na raw sila nagkahiwalay pa hanggang ngayon na sila ay nakabuo na ng pamilya

- Dumaan man sa ilang pagsubok, nanatili sila sa isa't isa lalo na ay mayroon na silang supling

- Unti-unti naring nabubuo ang kanilang mga pinangarap noong sila ay bata pa.

Grade school sweethearts, dalawang dekada nang masayang nagsasama

Nicarvie Bayan (source: supplied)
Source: UGC

Kahanga-hanga ang katatagan ng relasyon nina Nica at Arvie Bayan na dalawang dekada nang masayang nagsasama.

Minsan nang naibahagi ng dalawa sa KAMI ang kanilang kakaibang love story na nagpapatunay na 'forever'.

Naikwento na nila kung gaano sila kabata naging magkasintahan noong sila ay nasa Grade 6 pa lamang at aminadong marami ang humusga sa kanilang relasyon.

Ngunit dalawang taon na ang nakalilipas mula nang mapatunayan nilang sila talaga ang para sa isa't isa.

Ikinasal noon ang grade school sweethearts na kailanman ay hindi nagkawalay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

At ngayon, unti-unti na nilang tinutupad ang dating pinapangarap lamang nila noong sila ay mga bata pa.

Muling nagbahagi si 'Mrs. Bayan' ng mga pangyayari sa kanilang masayang pamilya.

"Latest po eh kmi pa rin po. But currentl,y LDR po kami ngayon, kasi nagka- offer po kami dito sa Qatar. From Singapore, bumalik po kami dito.

But because of pandemic nauna po ako, then nung time na si Arvie na po sana yung pupunta dito biglang nag-lockdown.

Pero as of the moment waiting nalng din po siya ng visa tapos sya naman po pupunta dito, then yung daughter din po namin pag ok na ang lahat.

Trying times po ito kasi 1st time sa buong buhay namin magkahiwalay pero it made our relationship even more stronger.

Sabi ko nga po distance lang yan maliit na bagay sa taong tunay nagmamahalanand may magandang dulot din po dahil nagpapatayo na po kami ng bahay.

Sa dami po ng inaasikaso pala sa pagpapagawa eh sobrang blessing din po na andun si Arvie sa Pinas to manage the construction while waiting po sa visa, and siya po ngayon ang nag-aalaga sa daughter namin"

Grade school sweethearts, dalawang dekada nang masayang nagsasama

Nicarvie's family (source: supplied)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masasabing masuwerte ang mag-asawang ito na kahit maaga nilang pinasok ang isang relasyon, napanindigan nila ang isa't isa at mas lalo pang naging matatag ang kanilang pagsasama.

Bagaman at bahagya silang nagkawalay sa ngayon, nakikita naman na nila ang bunga ng kanilang pinaghihirapan at magkakaroon na sila ng sariling tahanan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel