Guro ng online class, dinaan sa biro ang pasaring sa kanyang internet provider
- Viral ang post ng isang guro tungkol sa kanyang internet provider lalo na ngayon na 'online class' sila
- Makikitang handang handa na ang guro subalit nagkakaproblema naman umano siya sa kanyang internet
- Dinaan niya sa malamang biro ang pagpaparating niya ng kanyang hinaing sa kanilang internet provider lalo na at updated naman umano siya sa pagbabayad
- Sinang-ayunan ang guro ng maraming netizens na malamang ay nararanasan din ang problemang ito sa kanilang internet connection
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena ang post ng isang guro patungkol sa problema niya sa kanyang internet connection.
Nalaman ng KAMI na handang-handa na ang guro na nakasuot pa ng complete uniform. Naka-make-up pa raw umano siya para presentableng haharap sa kanyang mga estudyante.
Ibinahagi ng guro na si Flor De Guzman ang set-up ng kanyang 'online class'. Mapapansing dala-dalawa pa talaga ang kanyang laptop at desktop computer.
Ngunit ang problema, pawala-wala raw ang kanyang internet connection.
Dahil dito, hindi na niya napigilan pang maglabas ng saloobin sa kanyang internet provider ngunit sa nakakatuwang paraan.
"Complete teacher's uniform with make up pa. Ready for online teaching sa mga estudyante ko. What happen PLDT bayad namin kami advance pa. Bibigyan mo ako ng 5mins tapos on and off pa. Ano ang ituturo ko sa mga estudyante ko close-open?" pahayag ni Teacher Flor sa kanyang viral post.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa panahong nahaharap pa rin tayo sa pandemya, marami pa rin ang nasa 'work from home' set-up kaya naman marami rin ang nagpalagay na ng sarili nilang internet connection.
Tulad ni Teacher Flor, isa siya sa mayroon nang sariling internet line sa bahay subalit madalas namang magka-problema sa koneksyon nito.
Mahalaga pa naman ang internet lalo na sa kanyang online class dahil ito na ang bahagi ng blended learning ng Department of Education.
Bagaman at hindi naman talaga ito bago sa sistema, karamihan sa mga estudyante ngayong panuruang taon 2020-2021 ay bahagi ng online learning.
Kaya naman marami ang naka-relate sa post na ito ni Teacher Flor. Hindi lamang kasi ang mga estudyante ang nahihirapan sa sa mga pagbabago ngayong school year. Marami ring adjustment ang ginawa ng mga guro para lamang makasabay sa 'new normal' ng edukasyon.
Umabot na sa 90,000 ang reactions nito at may 43,000 shares.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan, naglabas din ng saloobin ang aktres na si Liza Soberano na madalas na ring makaranas ng problema sa kanyang internet connection.
Naging kontrobersyal pa ito dahil hindi raw naging patas ang mga internet providers na nagkaroon ng 'special treatment' sa aktres.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh