Larawan ng mga pagod na frontliners sa damuhan, umantig sa puso ng netizens
- Viral ang larawan ng mga frontliners na namamahinga sa damuhan sa Sagay City, Negros Occidental
- Sila ay ang rescue team ng lungsod na sumusundo sa mga PUI o mismog COVID-19 patients
- Hindi rin biro ang kanilang ginagawa dahil direktang nakakasalamuha nila ang mga may virus na kinatatakutan ng lahat
- Bakas sa larawan ang matinding pagod nila kay ayon sa uploader, nararapat lamang na ipagdasal natin ang mga frontliners na tulad ng nasa larawan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng marami ang larawan ng frontliners na minabuti nang mamahinga sa damuhan.
Binahagi ito ng netizens na si Jack Gallardo sa kanyang Facebook at may caption na "We can never pay kindness with money, Sagay Rescue Team need your prayers!!"
Nalaman ng KAMI na kuha umano ito sa Sagay City, Negros Occidental at sila ang mga frontliners na sumusundo sa mga PUI o maging sa mismong mga COVID-19 patient sa kanilang lugar.
Mababakas sa larawan ang tindi ng pagod sa kanilang ginagawa sa araw-araw.
Suot ang kanilang personal protective equipment, araw-araw nilang tinatiyaga ang init at hirap, protektahan lamang din ang sarili lalo na at madalas na nakakasalamuha nila ang mayroong COVID-19.
Bukod sa mga COVID-19 patients, sila rin ang inaasahang rumesponde sa iba pang medical concerns at emergency cases na rin.
"My salute to all of you," ayon pa kay Jack na labis na humahanga sa mga medical frontliners na ito na ni minsan ay di raw niya nabalitaang nagreklamo sa kanilang ginagawa.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Maituturing talagang mga bagong bayani ang ating mga frontliners sa laban ng bansa kontra COVID-19.
Sa loob ng halos kalahating taon ng ating pakikipagsapalaran sa virus, kahangahanga ang dedikasyong ipinakikita nila sa pagtupad nila sa kanilang tungkulin.
Habang ang iba sa kanila ay pansamantalang iniwan ang kanilang propesyon bilang pag-iingat, may ilan namang buo pa rin ang loob na tumutulong gayung alam nila ang kakulangan ng mga tulad nila lalo na sa panahon ng pandemya.
Sa kasamaang palad, namayapa na rin ang ibang mga frontliners habang tumutulong sila sa pagpapagaling ng mga pasyente sa ospital.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang ilan, sa kabila ng mga sakripisyong ginagawa, nakararanas pa ng diskriminasyon mula sa kapwa.
Subalit nakatutuwa namang isipin na ang iba, sa kanilang munting paraan, ay marunong magpasalamat dahil alam nilang hindi biro ang maging isang frontliner ngayon lalo pa at nakamamatay ang virus.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh