Raffy Tulfo, naghandog ng regalo kay John Regala sa nalalapit na kaarawan nito

Raffy Tulfo, naghandog ng regalo kay John Regala sa nalalapit na kaarawan nito

- Nagbigay ng regalo si Raffy Tulfo sa nagpapagaling na aktor na si John Regala

- Ito ang pangalawang beses na nagpaabot ng tulong ang host sa dating aktor na mayroong karamdaman at kamakailan ay humihingi ng saklolo

- Labis na nagpasalamat ang dating aktor na magdiriwang na ng kanyang kaarawan sa Sabado, Setyembre 12

- Sa episode din ng naturang programa ni Tulfo nailabas ang resulta ng DNA result nina John at nagpakilalang anak daw umano nito na si John Paul Santos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Raffy Tulfo, naghandog ng regalo kay John Regala sa nalalapit na kaarawan nito

Raffy Tulfo (Photo from Raffy Tulfo's Instagram)
Source: Instagram

Muli na namang nagpaabot ng tulong si Raffy Tulfo sa dating aktor na si John Regala na magdiriwang na ng kanyang 53rd birthday sa darating na Sabado, Setyembre 12.

Nalaman ng KAMI na sa episode kung saan nilabas na ang resulta ng DNA test na isinagawa kay John at sa nagsasabing anak daw niyang si John Paul Santos, nagkaroon ng pagkakataon si Tulfo na kumustahin ang dating aktor na nag papagaling na sa kanilang bahay.

Matatandaang, isa si Tulfo sa mga unang nagpaabot ng tulong kay John mula nang mag-viral ang kanyang larawan na humihingi ng tulong sa Pasay City.

Ngayon, dahil sa nabalitaan daw ng host na nagkakaproblema si John sa kuryente at parking sa kanilang tahanan, padadalhan muli siya ni Tulfo ng pera para maayos na ang mga bayarin nito.

Laking pasalamat naman ng aktor sa biyayang natanggap mula sa inilarawan niyang 'taong may mabuting puso'.

Agad daw ipadadala ni Tulfo ang halagang ₱25,000 bilang regalo na rin kay John sa nalalapit nitong kaarawan.

Sasamahan na rin daw ni Tulfo ito ng cake para naman maramdaman talaga ng aktor ang kanyang kaarawan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, negatibo naman ang resulta ng DNA test na isinagawa kina John Regala at sinasabing anak daw niyang si John Paul Santos.

Maraming netizens ang nalungkot dahil maging sila ay umaasang ama nga ni Santos ang dating aktor dahil daw umano sa pagkakahawig ng dalawa.

Matatandaang sa programa rin ni Tulfo unang nagkaharap ang dalawa na sa umpisa pa lamang ay naitanggi na agad ni Regala.

Sa naturang programa rin nagkaharap si John at ang unang misis nito na patuloy pa rin ang pagtulong sa kanya lalo na at patuloy na nakikipaglaban ang aktor sa liver cirrhosis.

Kamakailan at nasangkot din ang aktor sa kontrobersiya kauganay ng mga celebrities na tumulong sa kanya. Muli itong naayos sa programa ni Raffy Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel