Bride, ibinahagi ang kakaibang eksena sa kanyang 'new normal wedding'
- Viral ang larawan na ibinahagi ng isang bride sa kanyang 'new normal wedding'
- Imbis na maging emosyonal sa pagbukas ng pinto ng simbahan, thermal scanner ang bumungad sa kanya
- Natuwa ang mga netizens sa larawan at sinabing marahil kasama na ang pag-check ng body temperature ng bride sa daloy ng kasalan
- Maging ang bride ay nagawa pang magbiro sa kanyang post at sinabing di raw siya agad 'nakapag-emote' sa naganap
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Source: UGC
Kinagiliwan ng mga netizens ang larawan ng bride na si Lou Feliciano Gregorio kung saan isang kakaibang pangyayari ang naganap sa kanyang 'new normal wedding.'
Nalaman ng KAMI na sa pagbukas kasi ng pinto ng simbahan, imbis na maging emosyonal ng bride na kadalasang nangyayari, thermal scanner ang sumalubong agad sa kanya.
"Oops!! kakaiba na ngayon, pag bukas pinto ng simbahan syempre safety first bago mag-emote," pagbibiro pa ni Lou.
Ang pagpasok kasi ng bride ang isa sa mga emosyonal na tagpo ng kasalan lalo na ang paglalakad niya patungo sa altar kung saan naghihintay ang kanyang groom.
Ngunit gaya ng nasabi ni Lou, 'safety first' muna ang nangyari upang masigurong wala siyang karamdaman sa pagpasok ng simbahan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ang pag-check ng body temperature ang isa sa mga safety protocol na dapat sundin kung nasa pampublikong lugar.
Maging ang bride, sa kanyang kasal ay naka-mask, gayundin ang groom at ang ilang pirasong mga bisita na pinahintulutan lamang na dumalo lalo na at nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang bansa.
Dahil dito, nagbiro pa tuloy ang mga netizens na baka ang thermal scanner pa umano ang maging dahilan ng di pagtuloy ng kasal kung nagkataon.
Kasalukuyan nang may 56,000 reactions at 41,000 shares ang naturang post.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kabila ng pandemya at patuloy na paglaganap ng COVID-19, may ilang mga nag-iibigang hindi nagpatinag sa virus.
Tuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib, gaano man ito kasimple at kahit pa iilang tao lamang ang makakasaksi ng kanilang kasalan.
Ang ilan, hindi na nga gumastos pa sa reception. Pagkatapos ng kanilang kasal ay agad silang namahagi ng mga personal protective equipment o PPE sa mga frontliner ng napiling ospital.
Sinabayan na rin nila ito ng pamimigay ng mga food bags para sa mga health workers.
May mga magkasintahan naman na sila mismo ang punong-abala sa kanilang pag-iisang dibdib kaya naman napagkasya nila ang kanilang budget na ₱30,000 para sa kanilang simple ngunit elegante at hindi malilimutang pag-iisang dibdib.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh