Ina ni Lloyd Cadena, mayroon nang 1.14 million subscribers sa YouTube

Ina ni Lloyd Cadena, mayroon nang 1.14 million subscribers sa YouTube

- Umabot na sa mahigit isang milyong subscribers sa YouTube ang ina ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena

- Kamakailan, nagawa pang ipagdiwang ni Lloyd ang pagkakaroon ng 300,000 subscribers ng kanyang ina

- Dalawang linggo lamang mula nang makamit niya ito, agad na pumalo na sa milyon ang mga tagasubaybay ng ina ni Lloyd

- Ito marahil ang paraan ng mga subscribers ni Lloyd ng patuloy na pagsuporta at pagmamahal sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ina ni Lloyd Cadena, mayroong 1.14 million subscribers na sa YouTube

Mother Kween (Photo from Lloyd Cafe Cadena Facebook)
Source: Facebook

1.14 million na ang bilang ng subscribers sa YouTube ng ina ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena.

Nalaman ng KAMI na noon lamang Agosto 21, naglabas ito ng vlog kung saan ipinagdiwang nila ang pagkakaroon nito ng 300,000 subscribers.

Nagpasalamat noon si Lloyd o kilala bilang si 'Kween LC' sa channel ng ina na 'Mother Kween Vlogs.'

Ngunit makalipas lamang ang dalawang linggo, pumalo na sa mahigit isang milyon ang mga tagasubaybay ni 'Mother Kween'.

Ito marahil ang paraan ng mga fans at subsribers ni Lloyd ng patuloy na pagmamahal at suporta sa kanya.

Pawang mga pagluluto at buhay nanay talaga ang laman ng mga videos ni 'Mother Kween'.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Siyempre lagi niya noong kasa-kasama ang anak na si Kween LC lalo na nang makalipat na sila sa sarili nilang bahay na naisakatuparan pa ni Lloyd bago ito pumanaw.

Samantala, maging ang ama ni Lloyd na si Jun Cadena ay may sarili ring YouTube channel ang Biakid360 na may 306,000 subscribers.

Sa kanyang channel, naipaalam ng ama ni Lloyd ang detalye kung paano niya nalamang wala na ang kanyang anak.

Bukod sa pagkagulat, labis din itong naghihinagpis sa biglaang pagkamatay ng anak lalo pa at hindi siya makakauwi pa ng Pilipinas.

Nanghihinayang umano ito na hindi manlang niya nayakap ang anak sa huling pagkakataon bago ito pumanaw.

Setyembre 4 nang mag-post ang pamilya ni Kween LC tungkol sa biglaang pagpanaw nito.

Noong araw na iyon ay di pa nila ipinaalam ang detalye ng pagkamatay ng vlogger na nakapagpasaya at nakatulong sa maraming tao.

At nito lamang Setyembre 6, muling naglabas ng pahayag ang kanilang pamilya at kinumpirmang tinamaan ng COVID-19 si Lloyd.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bagaman at nasa ospital ito at maayos naman ang kalagayan, inatake raw ito sa puso habang natutulog na siyang naging sanhi ng kanyang pagpanaw.

Marami ang nalungkot sa biglaang pagkamatay ng 26-anyos na isa sa mga batikang vlogger ng bansa.

Bukod sa mga kapwa niya YouTubers, nagpabatid din ng pakikiramay sa pamilya ni Lloyd ang idolo ni Lloyd na si Mariah Carey.

Hanggang sa kanyang mga huling sandali, ang pagbabahagi pa rin ng kanyang mga biyaya ang ginawa ni Lloyd lalo na ngayong humaharap tayo sa krisis na dulot ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel