Isang ama, 5 taon nang naninirahan sa pedicab kasama ang mga anak at mga aso

Isang ama, 5 taon nang naninirahan sa pedicab kasama ang mga anak at mga aso

- Tampok sa social media ngayon ang kwento ng isang amang naninirahan sa pedicab

- Aniya, kasama niya ang dalawang batang anak niya at pitong aso na napulot nila

- Kwento niya, naulila na siya ng asawa niya kaya mag-isa niyang tinataguyod ang mga anak niya

- Kinukuha rin niya ang mga asong nakikita nila sa daan kaysa mapabayaan ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumukaw sa atensyon ng mga netizens ang isang ama na naninirahan sa isang pedicab.

Nalaman ng KAMI na limang taon nang naninirahan sa pedicab ang mag-aama kasama ang mga aso nila dahil wala siyang pambayad ng upa.

Isang ama, 5 taon nang naninirahan sa pedicab kasama ang mga anak at mga aso

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook video ng ABS-CBN News, pinagkakasya ni Anton Velasco ang dalawang anak at pitong aso nila sa pedicab. Naulila na umano siya ng asawa niya kaya mag-isa niyang tinataguyod ang mga anak niya.

Nangangalakal si Anton para kumita ng pera. Aniya, ayaw niya mamalimos dahil nahihiya siya kaya nag-isip siya ng ibang paraan para kumita.

“Eh nahihiya naman ako tapos maganda na lang mangalakal kami kasi marami naman kaming makukuha tapos makakakain lang kami,” aniya.

Sa ulat ng ABS-CBN News, pinaliwanag ni Anton kung paano umabot sa pito ang mga asong kasama nila sa pedicab.

"'Yung ibang aso naligaw, kinuha ko na lang. Walang mag-aalaga. Kaysa mabangga sa kalye, binuhay ko na lang sila,” paliwanag niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mas maraming mga Pilipino ang nakaranas nang matinding kahirapan lalo na ngayong may banta pa rin ng COVID-19 sa bansa.

Naunang naibalita ng KAMI na ang isang ama naman ay ginawang bahay ang kanilang kariton para may matulugan sila ng anak niya matapos niyang mawalan ng trabaho at tirahan.

Samantala, isang mag-iina naman ang nanirahan sa bangketa matapos silang palayasin umano sa kanilang inuupahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel