Babaeng nag-surf matapos magpositibo sa COVID-19, inaresto ng awtoridad sa dagat

Babaeng nag-surf matapos magpositibo sa COVID-19, inaresto ng awtoridad sa dagat

- Tampok sa social media ngayon ang isang babaeng nahuling nagsu-surf matapos magpositibo sa COVID-19

- Inaresto ng awtoridad ang babae habang ito ay nagsu-surf sa isang beach sa Spain

- Mismong mga kasamahan sa trabaho ng babae ang nagsumbong sa pulisya dahil hindi nito sinunod ang mga protocols

- Hinabol pa ng mga naka-PPE na opisyal ang babae nang magtangka itong tumakas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang babae sa Spain ang nahuling nagsu-surf pa matapos umano nitong magpositibo sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na hinabol pa ng mga opisyal na naka-hazmat suit at PPE ang babae para arestuhin ito.

Babaeng nag-surf matapos magpositibo sa COVID-19, inaresto ng awtoridad sa dagat

Photo from Getty Images
Source: Instagram

Ayon sa ulat ng LADBible (isinulat ni Jake Massey), pinosasan ng awtoridad ang babae nang makita ito sa Zurriola beach.

Isa umanong lifeguard ang babae sa La Concha beach. Ang kasamahan nito sa trabaho ang nagsumbong sa pulisya na kahit nagpositibo ito sa COVID-19 ay patuloy pa rin ang pagsu-surf nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Paliwanag ng mga kasamahan ng babae, lumabag ito sa quarantine at health protocols sa Spain. Kaya naman, inaresto ang babae.

Agad namang naging viral sa social media ang video kung saan kitang-kita nga ang pag-aresto ng mga opisyal sa babaeng nagpositibo sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa gitna ng banta ng COVID-19, maraming nga ang mga naibabalita na tumatakas sa kanilang quarantine.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang COVID-19 patient sa Pasay ang tumakas nang dalawang beses para puntahan ang pamilya niya sa Sta. Rosa, Laguna.

Naiulat din noon na isang babae sa Quezon City ang dinampot ng awtoridad matapos nitong tumakas at makipaghabulan mula sa isang hotel na ginawang quarantine facility.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel