Lagot na! "Myloves" ng viral pulis na na-KMJS, lumutang na rin

Lagot na! "Myloves" ng viral pulis na na-KMJS, lumutang na rin

- Tila hindi pa natapos ang kontrobersya na kinakaharap ng viral pulis na si Joebert Lacea matapos siyang maitampok sa 'Kapuso Mo Jessica Soho' kamakailan

- Matapos kasi ang nakakakilig na episode ng KMJS kung saan na-feature ang mala-Koreanovela na love story nito at ng nobya ay sunod-sunod na lumabas ang mga umano'y babae nito

- Isa na nga rito ang dati nitong nobya na isa ring pulis at nakarelasyon nito sa loob ng anim na taon at natapos lamang noong May

- Pero isa pang dalaga ang lumutang at nag-post ng mga sweet messages nila ni Joebert

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naku po! Tila mas lumalaki pa ang isyung kinakaharap ng viral pulis na si Joebert Lacea matapos itong maitampok sa sikat na programa ng GMA Network na 'Kapuso Mo Jessica Soho' noong nakaraang Linggo lang.

Matapos kasi ang nakakakilig na episode ng KMJS kung saan na-feature ang mala-Koreanovela na love story nito at ng nobyang si Richelle Amorcilla ay sunod-sunod na lumabas ang mga umano'y babae nito.

Lagot na! "Myloves" ng viral pulis na na-KMJS, lumutang na rin

Photo from Zef Juan (Joebert Lacea) Facebook page
Source: Facebook

Isa na rito ang dati nitong nobya na isa ring pulis at nakarelasyon sa loob ng anim na taon. Natapos ang kanilang relasyon nito lamang May. Ngunit nilinaw din nito na masaya na ito sa bagong nobyo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero isa pang dalaga ang lumutang at nagkaroon ng kaugnayan sa viral pulis noon ding May hanggang June.

Ang dalagang si Angelyn Quieta Villanueva mula sa Bohol ay nag-post ng mga nakaraang conversation nila ni Joebert o Zef Juan kung saan makikitang tinatawag siyang "Myloves" ng pulis.

Biro pa nga nito, kung ipinagpatuloy niya ang relasyon kay Joebert ay baka siya ang na-KMJS.

Nag-post din ito ng larawan sa Facebook story kung saan tila galing lamang ito sa pag-iyak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mabilis na kumalat ang mga post ni Angelyn sa social media at naging dahilan ito para mayroong magalit o mainis kay Joebert.

Ang ilang netizens pa nga ay inakusahan ng pagiging babaero ang viral pulis.

Pero sa isang FB post, nilinaw ni Joebert ang tungkol sa mga babaeng inugnay sa kanya. Anito, hiwalay na sila ng ex-GF bago pa man naging sila ng nobya nitong si Richelle Amorcilla.

Inamin din nito na naka-MU niya ang dalagang tinawag niyang "Myloves" na taga-Bohol ngunit hindi raw naging sila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel