Lalaking gumawa ng sariling bisikleta dahil walang panggasolina, viral na

Lalaking gumawa ng sariling bisikleta dahil walang panggasolina, viral na

- Tampok sa social media ngayon ang isang lalaking gumawa ng sariling bisikleta niya

- Kwento ng lalaki, wala siyang pera panggasolina sa motorsiklo niya kaya naisipan niyang gumawa ng bisikleta

- Makikita nga sa post na gawa pa sa kahoy ang bisikleta niya at talagang pinaghirapan niyang gawin ito

- Natuwa naman ang mga netizens sa pagiging maabilidad ng lalaki kahit na may COVID-19 ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang isang lalaking nakita ng netizen na gamit ang isang bisikleta na gawa sa kahoy.

Nalaman ng KAMI na naisipan ni Jannifer Cabaya na gumawa ng sariling bisikleta dahil wala siyang pera panggasolina.

Lalaking gumawa ng sariling bisikleta dahil walang panggasolina, viral na

Photo from the Facebook account of Renzie Azucena
Source: Facebook

Nakunan ng netizen na si Renzie Azucena si Jannifer sa Guimaras noong Sabado at ibinahagi niya ito sa Facebook.

Gawa sa kahoy at gulong ng motorsiklo umano ang bisikleta na ginawa at ginagamit ni Jannifer.

Base sa Facebook post ng News5, isang taga-bantay ng sakahan si Jannifer. Kwento niya, may motorsiklo siya pero wala siyang pera panggasolina kaya naisipan niyang gumawa ng bisikleta.

Labis na namangha naman ang mga netizens sa abilidad ni Jannifer. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook page ng News5:

“Ang ganda ng design ng bike niya. May monoshock sa likuran. Tamang tama di yan masakit kapag nalubak ng onte.”
“ang taba talaga ng utak ng pinoy saludo ako sau kw lang nakagawa nyan”
“my nanalo na uwian na kuya saludo ako sau naway pagpalain ka lagi sa daan at ilayo sa kapahamakan”
“Ang galing naman,madiskarte talaga ang pinoy,ingat po tayo...”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong may banta pa rin ng COVID-19 sa bansa, kanya-kanyang diskarte nga ang mga Pinoy para makaraos sa buhay at kumita ng pera.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang delivery rider ang nagawang dumalo pa rin ng online class habang nasa gitna ng trabaho.

Samantala, isang 72-anyos na lola naman ang patuloy sa paghahanapbuhay matapos ma-stroke ng kanyang asawa noon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel