Guro na positibo pala sa COVID-19, pumanaw sa kalagitnaan ng kanyang online class

Guro na positibo pala sa COVID-19, pumanaw sa kalagitnaan ng kanyang online class

- Biglaan ang pagpanaw ng isang guro na nasa kalagitnaan mismo ng kanyang online class

- Nahirapan lamang daw itong huminga at bigla na lamang bumulagta at nawalan na ng malay

- Sinubukan pa umano ng kanyang mga estudyante ang kanilang address upang makapagpadala ng tulong ngunit hindi na ito nakasagot

- Kumalat pa ang video na mismong kuha sa nangyari sa klase ng guro ngunit pinakiusap ng pamilya nito na burahin bilang respeto sa yumaong propesor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Guro na positibo pala sa COVID-19, pumanaw sa kalagitnaan ng kanyang online class

Online class (Photo from Pikist)
Source: UGC

Isang propesor sa Argentina ang namatay habang siya ay nasa online class sa pamamagitan ng Zoom application.

Ayon sa Lad Bible, guro sa Universidad Argentina de la Empresa (UADE) sa Buenos Aires si Paola de Simone na halos isang buwan na palang nakipaglaban sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na Agosto 28 nang inamin nito sa kanyang Twitter post na mayroon siya ng naturang respiratory disease.

Sa ulat ng Huffington Post, tila umiinda ang guro dahil sa wala umanong pagbabago sa kanyang kondisyon.

Sa kabila ng kanyang kondisyon, nagawa pa ring humarap sa klase ang propesor gayung online naman ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Subalit sa isa sa kanyang mga klase, nakaramdam umano ito ng hirap sa paghinga.

Agad na tinanong ng kanyang mga estudyante ang address ng guro ngunit nasambit lamang nito ang "I can't", at agad na itong bumulagta.

Base sa News 18, kumalat pa umano ang video ng biglaang pagpanaw ng guro sa kalagitnaan ng kanyang klase ngunit ipinabura agad ito ng kanyang pamilya. Ito ay bilang respeto sa 46-anyos na yumaong guro.

Agad namang naglabas ng pahayag ang unibersidad na kanyang pinapasukan at labis silang nalulungkot sa sinapit ng isa sa kanilang mahuhusay na guro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa Pilipinas, isa sa mga opsyon ng pagkatuto ang online classes. Ang ilang pribadong paaralan at unibersidad ay nakapagsimula nang magklase habang ang mga pampublikong paaralan ay magbubukas pa lamang sa Oktubre 5.

Kanya-kanya nang paghahanda ng mga guro sa pampublikong paaralan lalo na at hindi lahat ng kanilang mag-aaral ay kayang makipagsabayan sa online classes.

Ang ilan, dumarayo pa sa mga liblib na lugar upang mahatiran ng learning modules ang kanilang mga mag-aaral.

Patuloy pa rin ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa subalit wala na raw makapipigil pa sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.

Umaasa na lamang ang marami na ang lahat ay manatiling ligtas, lalo na sa ating mga kaguruan na hindi maiwasang pumunta pa rin ng paaralan bilang preparasyon sa pag-uumpisa ng klase.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel