4 na lalaking isinilid sa sako ang isang kasama para manloko ng mga dumaraan, arestado

4 na lalaking isinilid sa sako ang isang kasama para manloko ng mga dumaraan, arestado

- Arestado ang apat na kalalakihang nagawang mag-prank sa mga dumaraan sa Valenzuela City

- Nagawa nilang isilid sa sako ang isa nilang kasama para magmukha itong bangkay at akalain ng mga dumaraan na patay na

- Nakatago ang tatlo pang kasama habang kinukunan ng video ang mga reaksyon ng mga dumaraan

- Hindi ito magandang biro lalo na at ilang mga residente ang naalarma, dahilan para tumawag sila sa pulisya at maaresto ang apat na lalaking gumawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

4 na lalaking isinilid sa sako ang isang kasama para manloko, arestado

Photo (from Valenzuela Police Station Facebook)
Source: Facebook

Hindi natuwa ang Valenzuela City Police sa ginawa ng apat na lalaking gumawa ng isang 'prank' sa kanilang lugar noong Linggo, Setyembre 6.

Ayon sa Valenzuela City Police nakatanggap umano sila ng impormasyon sa isang napadaan sa lugar at nakakita umano ito ng hinihinalang bangkay na nakasilid sa sako.

Iyon pala, isa sa apat na lalaking gumawa ng prank ay sadyang isinilid sa sako para talaga manakot at makapanloko sa mga mapapadaan.

Base sa ulat ng Inquirer, nakilala ang mga gumawa ng kakaibang prank na ito na sina Mark Francis Habagat, 20, ng Villa Baretto Subdivision, Canumay West; Mark Aldrin Arce, 20, ng Camilla St. De Castro Subdivision; Chris Bayron, 20, residente ng Dela Rosa St. Home Centrum Subdivision; at Wynzel Tan, 19, ng St. Joseph St. Lahat sila ay pawang taga Lungsod ng Valenzuela.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Napag-alaman na ang nasa loob ng sako ay si Habagat na buhay na buhay at hindi isang bangkay na inakala ng ilang mga napadaan.

Ang iba pang kasama ay nakuha pang magtago para lamang mai-video ang reaksyon ng mga tao na dumaraan gayundin ang kalagayan ng kanilang kaibigan na nasa loob ng sako ayon sa ABS-CBN News.

Ayon sa imbestigador na si PSSg Regor Germedia, inamin ng apat ang kanilang nagawa at kaya lamang umano ginawa ang naturang prank ay para may mai-upload sa social media.

Sa ulat ng CNN Philippines nasabing maituturing na public alarm ang nagawa ng apat na agad na na-aresto.

Mahaharap ang apat sa kaso ng paglabag sa Article 155 ng Revised Penal Code patungkol sa pagkaalarma ng publiko at iskandalo.

Nabigyan din umano sila ng Ordinance Violation Receipt sa paglabag sa city ordinance no. 673 na social distancing at ang hindi paggamit ng quarantine pass.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral ang post ng isang COVID-19 patient sa Valenzuela City patungkol sa kanyang kapitbahay na imbis na siya ay pandirihan, nagagawa pa siya nitong bigyan ng makakain.

Sa naturang lungsod din nagkaroon ng pansamantalang tirahan para sa mga homeless noong panahong sumailalim sa enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel