Debutante, piniling pakainin ang mga jeepney drivers bilang pagdiriwang ng kaarawan

Debutante, piniling pakainin ang mga jeepney drivers bilang pagdiriwang ng kaarawan

- Hinangaan ang isang debutante dahil sa pagbabahagi niya ng biyaya sa pagdiriwang niya ng ika-18 kaarawan

- Siya mismo ang naghanda ng mga pagkain na siyang ibabahagi sa mga jeepney driver na hanggang ngayon ay di pa rin makapasada

- Ang pera pang ginamit umano sa kaarawan ng dalaga ay sarili niyang ipon

- Bilang pasasalamat, kinantahan siya ng mga tsuper ng "Happy Birthday" song na labis namang ikinatuwa ng debutante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Debutante, piniling pakainin ang mga jeepney driver bilang pagdiriwang ng kaarawan

Stephanie Gutierrez (Photo from Maye Araneta Gutierrez Facebook)
Source: Facebook

Kahanga-hanga ang kabutihan ng puso ng debutante na si Stephanie Gutierrez na naisipang magbahagi ng kanilang biyaya sa mga jeepney driver na hanggang ngayon ay di pa rin makapasada.

Sa post ng kanyang ina na si Maye Gutierrez, ipinakita nito ang larawan kung paanong ang debutante mismo ang nag-pack ng ipamimigay na pagkain sa mga tsuper.

Nalaman ng KAMI na ito raw talaga ang nais ni Stephanie bilang pagdiriwang ng kanyang ika-18 kaarawan.

Sa panayam ng GMA News online kay Maye, nabanggit nitong naka-plano na sana ang selebrasyon ng 18th birthday ni Stephanie. Ngunit dahil sa pandemya, hindi na nila ito itinuloy.

Kaya naman naisipan daw ng debutante na magbahagi ng pagkain sa mga tsuper na ilang buwan nang walang kita.

Ang kahanga-hanga pa kay Stephanie, siya mismo ang gumastos sa pakain sa mga tsuper. Pinaluto lamang niya ito sa kanilang restaurant ngunit siya mismo mag-isa ang nag-pack.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kasama ang kanyang ama, namahagi sila sa mga jeepney drivers sa Sampaloc Manila na ang ilan pa ay may dalang karatula upang humingi ng tulong.

Bilang pasasalamat, kinantahan ng mga tsuper si Stephanie ng "Happy Birthday." Walang pagsidlan ng kaligayahan ang dalagang mayroong ginintuang puso.

Maging ang mga nakakita sa post ay hinangaan ang kabutihang ginawa ng debutante na imbis na sarili ang isipin sa kaarawan ay mas pinili pa ang makatulong sa kapwa labis na naghihikahos dala ng pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panahong tumatagal ang krisis buhat ng paglaganap pa rin ng COVID-19, nakatutuwang isipin na may mga taong isinasaalang-alang din ang kalagayan ng kapwa nilang mas higit na nangangailangan.

Tulad ni Stephanie, hindi na rin nagkaroon pa ng magarbong handaan ang mga bagong kasal na sina Wilbert at Harlene Silverio.

Pagkatapos agad ng seremonya ng kanilang pag-iisang dibdib ay dumiretso na sila sa ospital upang mamahagi ng mga personal protective equipment at food bags sa mga frontliners.

Alam daw kasi nilang mas magiging makabuluhan ang kanilang kasal dahil nakatulong sila sa mga kababayan natin sa panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel