Fan ni Lloyd Cadena, nilagay ang pangalan ng idolo sa Hollywood 'Walk of Fame'

Fan ni Lloyd Cadena, nilagay ang pangalan ng idolo sa Hollywood 'Walk of Fame'

- Viral ang post ng isang nagpakilalang fan ni Lloyd Cadena na nagbigay pugay sa kanyang idolo

- Sinadya pa umano niyang pumunta sa Hollywood, L.A. para lamang mailagay ang pangalan ng idol sa 'Walk of Fame'

- Malaki raw ang naitulong ng mga videos ng idolo sa kanya at alam din niyang marami rin itong napasaya at nabigyang inspirasyon kaya nararapat lamang daw na malagay ang pangalan niya sa 'Walk of Fame'

- Ninanais pa naman daw sana niyang makilala ng personal ang idolo pagbalik niya ng Pilipinas ngunit sa kasamaang palad, hindi na ito mangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Fan ni Lloyd Cadena, nilagay ang pangalan ng idolo sa Hollywood Walk of Fame

Lloyd Cadena (Photo from Lloyd Cafe Cadena Facebook)
Source: Instagram

Umantig sa puso ng marami ang naisipang gawin ng isang fan ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena para sa kanya.

Nalaman ng KAMI na ang fan na ito ay sumadya pa sa Hollywood 'Walk of Fame' para mailagak ang pangalan ng idolo roon.

Ayon sa post ni Rica Mae Tianson Domingo, maituturing daw niyang isa sa mga mental health saviors niya si Lloyd o kilala rin bilang si 'Kween LC'.

Ang mga vlogs o videos daw nito ang ang nagbigay inspirasyon sa kanya upang patuloy pa ring harapin ang buhay.

"His loudness, being genuine, and his humanitarian acts inspired me to watch his vlogs whenever he uploads a new one," paliwanag ni Rica Mae.

Ang mga video ng buong production team ni 'Kween LC' maging ang vlog ng ina nitong si 'Mother Kween' ang nakatulong umano sa patuloy na paghilom ni Rica.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"We travelled all the way to Hollywood LA because Lloyd deserves a star in the walk of fame as he has helped A LOT!!! virtually and physically," pahayag ni Rica kaya naman sinikap niyang mailagak ang pangalan ng idolo sa walk of fame.

Balak pa naman sana ni Rica na makita ng personal ang idolo sa pagbalik niya sa Pilipinas ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito mangyayari.

Nagpasalamat si Rica sa idolo at ninais niyang gabayan pa rin nito ang nagdadalamhati niyang pamilya.

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang nabigla at nalungkot sa biglaang pagpanaw ng sikat na YouTube Star na si LLoyd Cadena.

Maging ang kanyang idolo na si Mariah Carey ay nagpadala ng mensahe ng pakikiramay at nagpahayag na siya'y nalungkot sa pagpanaw ng kanyang fan.

Kahapon, Setyembre 6 nilinaw ng kanyang pamilya ang sanhi ng pagkamatay ni Kween LC. Inatake ito sa puso at nagpositibo rin ito sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel