Sanggol sa Bataan, binawian ng buhay nang dahil sa marshmallow

Sanggol sa Bataan, binawian ng buhay nang dahil sa marshmallow

- Binawian ng buhay ang isang sanggol matapos nitong kumain ng marshmallow

- Ikinuwento ng lola ang insidente bago pumanaw ang bata at dalhin ito sa ospital

- Sinubukan pa ng magulang na sagipin ang bata kaso tuluyan na itong nawalan ng buhay

- Paalala naman ng eksperto, huwag iiwanang mag-isa ang mga bata at laging bantayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang sanggol ang binawian ng buhay sa isang barangay sa Bataan dahil sa kinain nitong marshmallow.

Nalaman ng KAMI na biglang nabulunan ang bata nang sandaling iwanan ito ng kanyang nanay.

Sanggol sa Bataan, binawian ng buhay nang dahil sa marshmallow

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa YouTube video ng TNN, pinapakain ng nanay ang anak ng marshmallow. Subalit, umalis ito saglit para kumuha ng tubig.

Habang kumukuha ng tubig ang ina ay dito na nga nangyari ang insidente. Paliwanag ng lola ng bata, maaaring nakakuha ng malaking marshmallow ito kaya nabulunan.

"Pinapakain ng nanay 'yun, eh bantay-bantay naman niya, kaya lang pagkuha niya ng tubig, ayun na nga ho, siguro, nakapulot ng malaking marshmallow, kasi ho ginugupit gupit niya yun," sabi ng lola ng sanggol.

“Ang ginaw ako naman, tinawag ko ‘yung anak ko. Eh kaso naman, dinala na ho sa ospital ‘yun,” dagdag niya pa.

Kwento naman ng ama biktima, sinubukan pa nilang sagipin ang bata pero wala na itong buhay nang madala sa ospital.

Sa ulat naman ng ABS-CBN News, nagbabala ang ekspersto na laging bantayan ang bata at huwag papabayaang mag-isa lang ito kahit anong mangyari.

"Kahit ano pa yan kahit marshmallow yan o kahit anong bagay pa yan, kailangan hindi iniiwanan mag-isa ang mga bata. Otherwise, they have the tendency to pick anything and then put in their mouth,” sabi ni Dr. Paul Baltazar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang sanggol naman sa Laguna ang pumanaw matapos ang isang araw nang ipanganak ito dahil sa COVID-19.

Naibalita rin ng KAMI na isang bata rin ang nagpositibo sa COVID-19 matapos nitong mahawa sa kanilang kapitbahay sa Batangas.

Samantala, isang sanggol naman ang ipinanganak sa eroplano habang papauwi sa Pilipinas.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel