Heart Evangelista, aminadong gumagamit ng Holy Water para sa mga damit galing ukay-ukay

Heart Evangelista, aminadong gumagamit ng Holy Water para sa mga damit galing ukay-ukay

- Kamakailan nga ay namili ng mga damit sa ukay-ukay si Heart Evangelista dahil namimiss na niya ang Fashion Week

- Kaya naman, gumawa siya ng sarili niyang “fashion quest” at namili siya ng mga damit

- Aniya, may mga bagay siyang ginagawa para malinis ang mga damit na nabili niya sa ukay-ukay

- Ibinunyag ng aktres na gumagamit siya ng Holy Water para itaboy ang “malas” na maaaring nakasama sa mga damit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aminado ang aktres na si Heart Evangelista na may mga bagay siyang ginagawa upang malinis ang mga damit na nabili niya sa ukay-ukay.

Nalaman naman ng KAMI na isa na nga sa mga ito ang paggamit ng Holy Water upang itaboy ang mga “malas.”

Heart Evangelista, aminadong gumagamit ng Holy Water para sa mga damit galing ukay-ukay

Heart Evangelista (Photo from Getty Images)
Source: Getty Images

Sa isang YouTube vlog ni Heart, ibinahagi niyang namimiss na niya ang pumunta sa Fashion Week. Kaya naman, gumawa siya ng “little fashion quest” at ipamalas ang mga magagandang damit na mayroon sa Sorsogon.

“I love shopping vintage stuff. When I was young, I used to go to ukay-ukay and I would get a lot of really nice vintage pieces,” aniya.

“On this episode, you’ll see me going around different thrift shops and ukay-ukay stalls and trying on my favorite finds, Fashion Week style, after we disinfected them, of course!” dagdag niya pa.

Kwento ni Heart, lagi siyang gumagamit ng disinfectant sa mga damit na binibili niya. Bukod pa rito, gumagamit din siya ng Holy Water.

“This was given to me by a dear friend of mine who is a priest from one of the churches here. This is Holy Water. “I do believe in cleansing your old stuff. Like stuff that wasn’t yours because I do believe in the concept of ‘familiar spirits.’” sabi ni Heart.

““I know this is kind of scary but I love wearing vintage so I have to be just very careful. So you have to cleanse that, and you just put it on the outfit, pray over it, and make sure there are no ‘familiar spirits’ that will carry on to your life. Because sometimes they say that malas or bad luck can be passed over and other stuff, so you wanna cleanse that,” paliwanag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Heart Evangelista ay isa sa mga sikat na artista sa Pilipinas. Isa rin siyang fashion icon at YouTube vlogger. Kasalukuyan nga siyang may 1.93 million subscribers.

Kamakailan nga ay ibinida ni Heart ang mga damit na nabili niya sa ukay-ukay. Nagmukhang mamahalin nga ang mga damit na binili ni Heart.

Noong nakaraan ay ginulat ni Heart ang mga netizens nang ipakita niya ang kanyang magandang outfit sa halagang P270 lang mula sa ukay-ukay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel