Lloyd Cadena, inatake sa puso at positibo sa COVID-19 ayon sa pamilya

Lloyd Cadena, inatake sa puso at positibo sa COVID-19 ayon sa pamilya

- Naglabas na ng pahayag ang pamilya ng yumaong vlogger na si Lloyd Cafe Cadena

- Sa pamamagitan ng isang Facebook post sa official account ni Lloyd, sinabing pumanaw ito dahil sa heart attack

- Ayon din sa statement ng pamilya, nagpositibo si Lloyd sa coronavirus disease o COVID-19

- Na-cremate na rin ang mga labi ni Lloyd na kasalukuyang nasa kanilang tahanan sa Cavite

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas na ng pahayag ang pamilya ng yumaong YouTube vlogger na si Lloyd Cafe Cadena, ilang araw matapos itong pumanaw.

Sa pamamagitan ng isang post sa official Facebook account ni Lloyd, sinabi ng pamilya nito na pumanaw ito dahil sa heart attack.

Lloyd Cadena, inatake sa puso at positibo sa COVID-19 ayon sa pamilya

Photo from Lloyd Cafe Cadena Facebook page
Source: Facebook

Sinabi rin sa statement na nagpositibo ito sa COVID-19.

"Lloyd was confined in the hospital on September 1 due to high fever and dry cough. He was tested for COVID-19 on the same day which the result came out positive on September 3.

"As soon as the result of his swab test came out, our family, including BNT immediately isolated themselves," ayon sa pahayag.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

5:00 ng umaga noong September 4 nang makita raw si Lloyd na namumutla at "unresponsive".

"On September 4, 5am he was seen by the staff unresponsive and pale looking. As informed by the doctor, he suffered a heart attack while asleep."

Na-cremate na rin ang mga labi ni Lloyd na kasalukuyang nasa kanilang tahanan sa Cavite.

Nagpasalamat din ang pamilya sa mga pakikiramay at mga dasal na natanggap nila dahil sa pagpanaw ni Lloyd.

"There are simply no words to express our heartfelt thanks for the prayers and sympathy you have extended to our family during this time of loss."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakilala si Lloyd Cafe Cadena sa mundo ng YouTube dahil sa kanyang mga nakakatuwa at nakakaaliw na vlogs.

Pumanaw ito sa edad na 26 at naulila ang mga magulang at mga kapatid nito.

Bago ito pumanaw ay nagawa pa nitong mamahagi ng mga tablets para sa mga kabataang walang kakayahang makabili nito para sa distance learning.

Tila naman nagpahiwatig ito sa kanyang pagpanaw sa isa sa kanyang matalik na kaibigan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel