Elmer Cordero ng Piston 6, nakapagpatayo na ng sariling tindahan

Elmer Cordero ng Piston 6, nakapagpatayo na ng sariling tindahan

- Nakapagpatayo na ng munting tindahan si Tatay Elmer Cordero ng Piston 6

- Ito ay matapos bumuhos ang donasyon sa kanya dahil sa kanyang pagkakabilanggo

- Itutuloy niya pa rin umano ang pakikipaglaban para sa mga kasamahan niya ngunit hindi na siya makakapagpasadang muli dahil sa kanyang edad

- Matatandaang naging kontrobersiyal ang pagkakaaresto sa Piston 6 matapos nilang magprotesta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil sa kanyang edad ay maaring hindi na babalik sa pamamasada si Tatay Elmer Cordero. Gayunpaman, tuloy umano ang kanyang pagssusulong na mapayagang muling makapamasada ang kanyang mga kasamahan.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pagkakaaresto kina Tatay Elmer kasama ang lima pang tinaguriang Piston 6 matapos nilang magprotesta dahil sa pagkakawala ng kanilang hanapbuhay bunsod ng pagpapatigil ng pasada ng mga jeepney dahil sa pinapatupad na lockdown.

Umantig sa marami ang naging sitwasyon ni Tatay Elmer kaya bumuhos ang tulong at donasyon para sa kanya na isa nang senior citizen.

"Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.

Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Elmer Cordero ng Piston 6, nakapagpatayo na ng sariling tindahan

Photo by Joseph Dacalanio/Pacific Press/LightRocket via Getty Images
Source: Getty Images

Ang mga jeepney drivers ang kabilang sa pinaka apektado ng ipinatupad na lockdown bunsod ng pandemya. Bukod sa hindi sila makapamasada dahil sa ipinagbawal ito, marami sa kanila ang dumadaing na wala pa rin umano silang natatanggap na ayuda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa katunayan, isang 64 anyos na jeepney driver ang nanghingi na lamang ng limos sa loob ng isang buwan upang may pambili ng kanyang makakakain.

Gayunpaman, mayroon ding mga tsuper na nabigyan ng bagong pag-asa matapos mabigyan ng trabaho bilang taga-deliver ng mga package na inoorder online.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel