Ama, nagdadalamhati sa pagpanaw ng anak na kanyang kinupkop matapos iwan ng asawa nito

Ama, nagdadalamhati sa pagpanaw ng anak na kanyang kinupkop matapos iwan ng asawa nito

- Pumanaw na ang anak na may maulbhang sakit na kinupkop muli ng kanyang ama matapos na ito ay iwan ng kanyang asawa

- Dalawang araw lamang mula nang mamalagi sa ospital, sumakabilang buhay na rin ang inalagaang anak

- Nagkaroon na raw kasi ng mga bukol at komplikasyon ang baga nito na naging dahilan ng kanyang pagkamatay

- Naiwan sa ama ang tatlong mga apo nito na siya na ang magtataguyod dahil wala na silang iba pang aasahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ama, nagdadalamhati sa pagpanaw ng anak na kanyang kinupkop matapos iwan ng asawa nito

Ama ni Renalyn Jontilano (Screengrab from Archie Hilario's video)
Source: UGC

Nagdadalamhati ang ama ng isang babae na matapos na dapuan ng malubhang karamdaman ay iniwan na lamang ng kanyang mister.

Matatandaang sa unang ulat ng KAMI, naibahagi na ang babaeng ito ay si Renalyn Jontilano na kinupkop muli ng kanyang ama dahil wala nang nag-iintindi sa kanya at sa kanyang mga anak.

Sa update ng YouTube channel ni Archie Hilario o kilala rin bilang si "Pobreng Vlogger", muli nilang binalikan ang ama ni Renalyn upang ito ay kumustahin.

Laking gulat nila nang malamang sumakabilang buhay na pala ito, dalawang araw mula nang ito ay maisugod sa ospital at mula nang una silang mapuntahan ng grupo nina Hilario.

Kwento ng 67-anyos na ama ni Renalyn, nagkaroon na raw ito ng mga bukol sa baga dahilan kaya ito nagka-komplikasyon.

Inalok pa sila ng doktor na tubuhan ang pasyente ngunit sa katawan ni Renalyn na halos buto't balat na, mukhang mas mahihirapan pa ito.

Sinabi pa ng ama nitong anuman ang mangyari sa anak ay tanggap naman na nila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bagaman at masakit para sa kanila lalo na sa tatlong mga anak ni Renalyn na naiwan sa kanyang ama, mas panatag na raw ang kanilang kalooban na hindi na ito naghihirap.

Nakiramay ang grupo ni 'Pobreng Vlogger' at ibinigay na rin nila ang kanilang nakalap na tulong mula sa mga netizens na nakapanood ng nakakadurog ng pusong video ni Renalyn.

Umabot din sa mahigit ₱25,000. Napakalaking tulong na nito sa ama ni Renalyn na siyang magtataguyod sa mga apo nito.

Sa kasamaang palad kasi ay wala pa siyang hanapbuhay dahil sa pandemya kaya namumuhay na lamang sila sa mga naitanim niyang gulay na siya nilang kinakain.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Archie Hilario bilang isang vlogger sa Aklan na tumutulong sa mga kababayan niyang kapus-palad.

Minsan na nilang natulungan ang mag-asawang nakatira lamang sa isang tagpi-tagping tent at napagawan nila ito ng munting tahanan.

Ang kagandahan pa sa programa ni 'Pobreng vlogger', binabalikan nila at kinukumusta ang kanilang mga natulungan kung nasa maayos pa rin itong kalagayan.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel